31.7.10

pangpito

alam mo kung anong pinakadabest na pang-asar sa lahaaaaaaaaat ng taong nanakit sayo?

yung ngiti mo. :)


lalo lang nila maiisip kung gaano sila kaLOSER.

pang-anim

masyadong maganda ang buhay para aksayahin mo lang ang oras sa kakaalala ng mga bagay na walang ibang idinulot sayo kundi kalungkutan.


lumilipas ang lahat.

panlima

dalawang uri lang ng emosyon ang pepwedeng maramdaman ng taong iniwanan ng kanyang minamahal.

una. awa sa sarili. pangalawa. galit sa minamahal.

pangatlo

dalawang uri lang ng emosyon ang pepwedeng maramdaman ng taong iniwanan ng kanyang minamahal.

una. awa sa sarili. pangalawa. galit sa minamahal.

pangalawa.

selfish na ko kung selfish. pero ikaw yung gusto ko para sa sarili ko.

una

Ililista na lamang kita na parang Louis Vuitton sa wishlist ko. Masarap makuha pero suntok sa buwan.

pano ang tamang spelling ng LV? pakicorrect na lang. ;)

yehey!!!

i am soooo happy right now. :)

i thank God for him, why? because i can feel the way he feel towards me, ansaya saya lang..alam mo he's proud of me and of what we have, i mean, he doesn't care if he would sound baduy or if what would others think about him basta siya he always makes me feel special, he appreciate every little thing i do, he always make sure that i am okay, he always find time for me kahit na sobraaaang busy namin pareho... hehehe, and kinikilig ako hahahahahah parang hayskul lang. :))

i'm not going to think that this will gonna last but i'm praying that it wont...and i will try that it wont.

nakakatuwa lang isipin na such man is still existing and i am so lucky to have him. i could not ask for more. i am very much contented with ivan...

he is a little bit of everything. yung dating lalaking isinulat ko lang sa wishlist ko parang naging totoo ehehe.. a man with no vices, mabait, gentleman, disiplinado, God-fearing, tapos family oriented, drummer, kengkoy, suplado, mayabang but i love the way he makes yabang hahaha..

swerte ko pa rin kahit papano :D. afterall that had happened to me, God gave me Him as a beautiful surprise..

30.7.10

25 mins.

now you want me to forget, every little thing you said....


but there is something left in my head.

oo. dahil usong uso pa rin saken ang mlr. at oo. baduy ako. paki mo?

28.7.10

panghawakan mo ang mga dapat mong panghawakan. pakawalan ang mga dapat mong pakawalan.

masaya akong tatanawin ka sa malayo, at asahan mong ikinatutuwa ko ang anumang bagay na pinagtatagumpayan mo.


iyon lang naman ang gusto ko para sayo. ang sumaya ka. :)

27.7.10

kelan ko to magagawa?

masarap magkubli sa ilalim ng malaking puno ng mangga sa tuktok ng bundok at tanaw mo ang lahat. mas masarap pagmasdan ang galaw ng mga tao sa malayo. 'yun bang ikaw lamang ang nakakakita sa kanilang lahat. tapos ikaw hindi ka nila matanaw. gusto ko ng ganun. nacucurious ako kung pano kaya ang feeling nang para kang si Lord. nakamasid lang. :D

mabilis mabusog ang paningin ko kesa sa tyan ko.

madali akong napapasaya ng kahit anumang tanawing magandang pagmasdan sa paningin ko. napapaligaya ko ang sarili ko na hindi na kinakailangan pang maghubad ng damit at makaniig ang kung sinuman. kontento na akong mamasdan ang mga minamahal ko sa buhay na masaya sa kanilang ginagawa. ang plastic na ang korni na ang baduy pero totoo.

masarap kaya tignan ang mga batang malayang naghahabulan na para bang sila ang may ari ng sanlibutan. higit na mas sweet pa kina kim at gerald ang dalawang lolo't lola na sabay na naglalakad habang magkahawak kamay. nakakaaliw ang dalawang batang babae na magkapatid na masayang naglalaro ng manika, walang pakialam sa mundo.

haaaaaayy.... wala lang. mas masarap sa kahit anu pa mang pakiramdam sa mundo iyong nagagawa mo ang pinakagusto mo. nakakahinga ka ng walang halong pait sa dibdib. payapa ang iyong kalooban at nakakahinga ka ng sariwang hangin.

26.7.10

realization

"When you're struggling with something, look at all the people around you and realize that every single person you see is struggling with something, and to them, it's just as hard as what you're going through."
— Nicholas Sparks

naisip ko lang, hindi lang pala ako dapat ang nagmamaktol sa sa lahat ng mga nangyayari saken. kanin habang pauwi galing sa trabaho, nakita ko yung mga batang nakikipagpatintero sa daan. nauulanan at nagpupumilit magbanat ng buto gamit ang mumunti nilang lakas. naitanong ko, kung nakakapaglaro pa ba itong mga 'to o siguro naman sa araw araw nilang paghalukay sa basura baka iniisip na lang nilang laro iyon.

parang naguilty tuloy ako. napakalakas ng loob kong magreklamo gayong may mga tao sa paligid ang mas malala pa ang kalagayan saken.

oo, marahil nga sa malas ako kung maituturing. pero lubos kong pinagsisihan iyon, lalo na kapag nakakakita ako ng mga taong mas higit na nangangailangan kesa saken.

puro ako reklamo..napakaselfish ko...

24.7.10

paumanhin

aayusin ko na muna ang buhay ko ha, blog. babalik ako, pansamantala muna akong mawawala. mamimiss kita.

 

thy will be done.

namamanhid na ako. at masaya 'to.

tinuturuan mo ba ko God, kung pano maging manhid? namatay si mama, nawalan kami ng bahay in an instant, tapos ito nasa pangangalaga kami ngayon ng lasenggo kong uncle, pero okey naman, as long as wag lang talaga siyang magkakamaling saktan kami ng pisikal mananatili yung respeto ko sa kanya.

ito na PapaGod aamin na ko. naiinis ako sayo. mali itong nararamdaman ko pero hayaan mo na, hanggang inis lang naman ako. ako naman yung tipo na madaling makalimot, hindi ko naman inugali yung magtanim ng sama ng loob sa kahit na sino-lalo na sayo. malamang. love kita.

PapaGod bakit ganoon? una si Mama, sumunod yung bahay, dibale na si Papa, ang ikinaaano ko lang eh yung mawala ng ganon kaaga si Mama, akala ko kasi yung sakit nya hahayaan pa siyang mabuhay ng kahit dalawampung taon man lang. o kahit dalawang taon na lang sana, huling tawad eh kaso hindi eh, dalawang buwan lang ang ibinigay mong palugit sa kanya. unfair.

PapaGod nung malaman ko na me leukemia si Mama, iyak lang ang narinig mo saken... hanggang sa matanggap ko sa sarili ko na ganon talaga. ganoon ang buhay, na masusunod ang lahat ng ipagkaloob mo samin. pero naman. ngayon bakit kinakailangan pang maranasan ko tong ganitong klaseng paghihirap. mabait naman sana ako ah. :(

ito lang iniisip ko sa ngayon. tinuturuan mo ko na maging manhid. at iniisip ko na lang din na kaya ko to pinagdadaanan kasi alam mo naman na kakayanin ko lahat ng 'to.

i love you PapaGod. sige lang, gawin mo pa kong punching bag ng mundo. welcome ang lahat ng tao na saktan ako.

after all alam ko naman po, na kung sino yung mas inaapi, siyang pinagpapala.

18.7.10

true.

Peterpan: Why did you have to go away for so long?
Tinkerbell: You never gave me a reason to came back. I was always there when you needed me but I guess you never showed how important I am in your life. Now it's different, now we've changed, but I'm still smiling.
Peterpan: Why?
Tinkerbell: I myself don't know the reason. It's just that now.... It's your turn to miss me!
-from tumblr.

makabayot

tinitignan ko ang misteryoso mong mukha. sino ka nga ba? sino ka ba talaga? anong meron ka na wala sila? bakit napakaamo ng iyong mukha? bakit mukha kang mahiwaga? :|

alam mo ba, sa tuwing naiinis ako sa mundo, tinitignan ko lang ang gwapo mong mukha solb na ko :">....automatic na nawawala lahat ng inis ko sa katawan... yihi.. ehehe...

gusto kitang kausapin kahit isang beses lang sa tanan kong buhay. gusto kong makita yang ngiti mong walang kapantay. gusto kong masilayan ang maamo mong mukha. gusto kitang makita sa mata. gusto kong tignan sa malapitan ang mapupungay mong mata. gusto kitang mahawakan sa kamay. gusto kitang kwentohan ng maraming marami. patatawanin kita pramis. mapapahagalpak ka sa kakatawa. at hinding hindi mo makakalimutan ang pagkakataong nakilala mo ang isang gaya ko.

anong ipinagkaiba mo sa kanila? simple ka marahil. simple pero iba ang dating. simpleng astig. tumatatak sa puso ang taglay mong karisma. IKAW YUN EH. alam kong IKAW LANG ANG MERON NYAN. wala sa iba. walang wala sila sayo. walang wala ako sayo.

ansarap masdan ng ngiti mo siguro sa umaga. masarap ka rin siguro kausap kasi napakaaaaalambing ng boses mo. masarap ka rin sigurong amuyin, mukha ka kasing mabango lage eh. saka parang ikaw yung tipo na kahit pagpawisan ng bonggang bongga mabango pa rin tignan. nakakakilig kung pano ka tumitig. saka kung magsalita ka napakamalumanay, ang liwanag ng iyong mukha. mapula pa ang iyong labi at pisnge, matangos ang ilong, maputi ang ngipin feeling ko amoy lemon ang hininga mo...haaaay...:">

bakit ka ganyan kagwapo? anghel ka ba? kelan mo kaya ako kakausapin? kelan ko kaya maririnig na tawagin mo yung pangalan ko.... :">

hoy, crush kita kuya... :D

bunga ng malikot kung hallucinations. ewan ko ba kung sino dinedescribe ko. di ko rin kilala =))

16.7.10

4:25 AM

ola!! good morning!! :D

anong meron ako at bakit ako nagising ng ganito kaaga? HIMALA.

namiss ko yung ganitong pakiramdam. yun bang parang kagigising mo lang sa isang napakahabang pagkatulog. parang ansarap na anwerdo lang. para ka kasing muling iniluwal sa mundo para magsabog ng kagandahang asal at maghasik ng lagim pagmamahal. naks pangmakata.

ansarap magisip :D. sobra. ansarap magisip ng puro positibo lang. naaalala ko tuloy si Mama. ganitong oras nya ko gisingin ko noon eh, para lang makipagdaldalan over a cup of milo. wala daldalan to sawa lang kami hanggang sa marealize namin pareho na alas nuebe na pala ng morning at hindi na siya makakapamalengke.

kahapon ng hapon naambunan na naman ako ng galit. haha. marahil ganun talaga ang silbi ng iba mong relatives ano? ang mambuwiset. namaster na nila yang skill nilang yan. at oo nasa punto na ko ng pagkasuklam sa kanila. pero ayokong itanim iyon sa puso ko. ayaw ko nga. bahala silang kumulubot ang mukha dahil saken. :D

basta ako mananatiling maganda sa loob at sa labas. :)

ayokong sirain itong feeling ko, ansaya saya saya saya saya saya saya saya :D.

15.7.10

july16th

 I'll wait.

I don’t need you, but I want you.
So here’s me, choosing to want you.
I want you. Whatever that may be.

I hate spending weeks in bed crying.
I hate feeling like I’m crumbling to the ground.
And most of all, I hate waiting for you to come around.

But I love you.
So I’ll cry, because I miss you.
I’ll lie in pieces on the ground until I have you.
And I’ll wait for your return, because I promised you exactly that.

I might not need you in my life.
I might not need anyone in my life.
I can breathe just fine - I can walk upright.
I really don’t need anyone to live.

But to be happy, I think I might want someone.
So I’ll choose to want you.
And I’ll wait.
Because right now, you’re not here.
You’re doing what you have to.
And that’s perfectly alright, because I’ll understand.
And I’ll wait.

I’ll wait here - I’ll wait for you.
As much as it hurts, I will always wait for you. -http://fragmentsofletters.tumblr.com/
ansarap basahin.. one day i might read this to someone.




happy birthday :)

period

hindi ko na gusto ang nararamdaman ko ngayon. gamunggong pawis ang pumapatak sa noo ko. ilang sandali na lang a tuluyan na kong manghihina at mawawalan ng ulirat - ahm..saka na muna, maya-maya konti :))

kapag ganitong sobrang bigat ng dinadala ko at parang bagyo ang bumubuhos sa pagitan ng dalawang hita ko, ayokong makakita ng pangit na pagmumukha at mas nanainisin kong mamalagi na lang sa loob ng kwarto ko kesa makapanakit ng tao.

masarap manapak. masarap makipagbasagan ng mukha. :)


dysmenorrhea kelan mo ba ko tatantanan??!! putang ina mo lang :|

ps. pasintabi po sa inyo :D

pps. kompirmado. may matres ako.

 

11.7.10

himala

hellow boglspot!
mesakit ako. himala. panahon kasi ng suddenly :)). tang inang weather yan. sa umaga kainit init. sa tanghali umuulan na. eh kundi b nman leceh.


me sakit ako. hindi ako lasngi. nagdodobel painging ko.

babayu. 

just

KEEP QUIET

when you got nothing to say. when you have too many words to say in your head that your afraid to speak it off. 




i believe its the best thing to do.

10.7.10

sawa na walang venom.

may mga bagay na sobra mong pinagtutuunan ng pansin hanggang umabot ka na sa puntong "ayyy..nakakasawa na pala...nakakabagot na..."

nakakasawa na. magfacebook. magblog dito. magonline. nakakainis lang kasi hindi mo naman pwedeng wag pansinin yung mga naging kaibigan mo dito sa mundo ng web. hindi naman pepwedeng basta mo na lang silang ijunk. sayang yung nabuong relasyon, ang friendship.

pero promise. malapit na ako sa sukdulan ng pagkabagot ko. malapit na kong mamaalam sa inyo. :)

9.7.10

save a life.

gusto ko maging superhero.

bata pa lang ako pangarap ko  na maging "defender of the universe" "the chosen one" yung matatamaan ng kidlat tas magkakaroon ng super powers, yung makakagat ng insekto, ng bangaw ba tapos benggah superhero na. BANGAWOMAN. kjoke. basta. gusto kong makatulong.

gusto kong maging Blood Donor.

seryoso. sa mga panahon na ito, kokonti na lang ang nagdodonate ng dugo. hindi ba masarap sa pakiramdam iyong nakapagpakain ng isang taong gutom? mas lalo na siguro kong nakatulong ka sa pagdugtong ng buhay ng isang taong nasa bingit ng kamatayan.

mahalaga ang bawat patak ng dugong maibibigay mo.

gustong gusto ko talaga.

eh kaso anemic ako. :|

te k.

perfect. dream girl. angel in disguise.

ganyan ko siya ilarawan. maganda. magaling kumanta. matalino. maputi. makinis. konserbatibo. mahinhin magsalita. magaling magdala ng sarili. modern filipina. at oo hindi siya ako. marahil kahawig ko lang. at nakikita ko ang sarili ko sa kanya. haha.

nakilala ko siya mga tatlong taon na rin ang nakalipas. kaibigan ng kaibigan ko pero hindi kami close. isa nga raw siyang anghel sabi ng mga kaibigan nya. pag nakakausap ko siya wala siyang kaere-ere. lahat ng pwede mong sabihin sa kanya parang puro papuri lamang. siya kasi yung tipo ng babae na sosyal pero hindi maarte. maganda pero simple.matalino. at higit sa lahat hindi OA. ni hindi nya nga siguro alam na ganon siya kaperpekto eh.

isa na marahil sa hinahangaan ko sa kanya ay iyong personality nya. cowgirl na cute. nagmamountain climbing. nagbabiking. model. mukhang angel. palangiti. masayahin. jolly. at hindi siya yung tipo ng babae na gaya nyo. o gaya ko. hindi siya nagpapansin. sadyang showstopper lang siya. pag ka nasa isang kwarto ka tapos bigla siyang dumating magpopause ang lahat ng tao sa kwarto na yun para lang tignan siya.

hindi siya bitch. oo. totoo. kadalasan kasi ng nakikita kong babaeng artistahin eh bitch, kunsinu-sino na lang.pero hindi siya ganun. parang ako. ;))

sayang lang. kung anong iginanda ni ate k. yun din ang ikinaboring nya. minsan :)). lamang pa din ako. bwahahaha.kjoke.

7.7.10

parang may pagkabitter.

kung tutuusin nga hindi ka dapat malungkot dahil nawala siya sayo, kasi alam mo naman sa sarili mo na minahal mo siya ng totoo. hindi ka dapat magalit o magmukmok sa isang tabi, siya pa nga dapat ang malungkot, kasi darating ang araw na magmamahal ka din ng iba, yung sobrang pagmamahal na inalay mo sa kanya pwede mo pang higitan yun at ibigay sa susunod na mamahalin mo, eh siya sa susunod na magmahal siya… hindi niya na kailanman mararanasan muli kung paano mo siya minahal. baka nga hindi na siya magmahal dahil alam nyang yung pagmamahal na binigay mo sa kanya ay wala nang makakapantay pa…

siguro tanga lang siya dahil nakuha ka niyang iwan, o siguro mas pinili na lang niyang pakawalan ka para hindi ka na masaktan ng sobra, mas pinipili nyang ayusin ang mga bagay na magulo sa buhay niya… para kung sakali mang magkita kayo ulit, masasabi na niya ng walang pagaalinlangan na MAHAL KA NYA.


-isang lathala mula sa tumblr.

5.7.10

kaRANDOMan

naisip ko lang. iba pala talaga ako magisip. hahahaha, natagpuan ko ang luma kong USB. at binulatlat ko ang laman nito ito ang nakita ko mga lumang typetype sa notepad. mga pictures. mga kinopyang proyekto. mga scandals ay mga lumang lathala/kwento. kasali yang mga tulang nandyan sa baba. ehehe. astig pala ako magcombine ng salita. sabi ko nga sa sarili ko minsan, balang araw magiging magaling akong... dancer. loool.


15.5.09
today is FRIDAY



and it was fucccccking year ago...

what's Friday all about?

well, nothing really. hmm (thinking again...) well, i will be honest this time.

it started 2 years ago...

i used to see Friday as the most special day of the week. it wasn't me who initiated it, but it was SOMEONE. (smiles) . i just wanted to rant about what happen yesterday...

pero utang na loob i will tell the story in vernacular na. bwahaha.. naghuhuramentado na ang kaugatan ko sa batok, tingin ko umaakyat na ang dugo sa noo ko pababa sa ilong at free siyang dumaloy anytime nya gustohin. so much for this OHSONONSENSE intro.

intro.

lagi na lang talaga akong nahihirapang mag-umpisa.pano nga ba ang tamang umpisa? pano nga ba gagawa ng talatang nakakaakit sa mata ng mga mambabasa kong ipis at surots uberdeyr, wereber dey arr rayt nao?

tooooo muuuuch pasakalye.

like what i've said earlier. asan na nga ba tayo? 

naramdaman ko lang i made someone upset kahapon, and GAAADDSEEEYK! i really do not mean it. sorry naman sa kanya. it's just that i have persons need to talk to before talking to him.

siya: hello
ako: hi
siya: akala ko snob mo ko.
ako: waa. snob. (ang tanga ko talagang rumespond. kahit kelan. ang tanga ko.)
siya: kamusta?
ako: okey lang :D
....
....
....
ako: level mo na?
siya: ganon pa rin
siya: di na ako nakapagpalevel ng matino
siya:blahblahblah
siya:blahblahblah
siya:blahblahblah
siya:blahblahblah.

while he was this busy making kwento, i was this busy chatting with someone din. hehe. at ang ganda ganda ko. okei. feeling ko lang naman. ehbaketba??!

then he mentioned na nawawala yung connection nila something...

ako: smart bro?
siya: globe
ako: aah.

ended.

i never have the chance man lang na magbabaay sa kanya. and nagsisisi ako. for no reasons at all. dunno. baka kasi isipin niya na galit pa rin ako sa kanya or i was still this so bitter girl, running over him which is NOOOOT. until now hindi ko lang talaga matanggap sa sarili ko na wala akong lakas ng loob makipag-usap sa kanya. but i dont have anything for him. hindi gaya ng dati.

naalala ko pa dati kung pano ako magtititili makita ko lang na online siya. parang ang engot ko lang nung mga panahong yun. tapos natatameme na ako pag niPPM nya ako. kinikilig. pero it was just NOON. dahil wala na lang siya saken ngayon - bitter? not!

oo. totoo. sinisigurado ko sa sarili ko, na bago ako magmahal ng iba, wala ng nakalaang espasyo para doon sa isang nagpaalam na.

sa kanya ko natutunan ang salitang LOVE. sa kanya ko marahil unang naramdaman din. kasi MANHID ako noon. at wala akong kamuwang-muwang sa kaekekekan na yan. sa kanya ko unang naranasan ang matulog na may ngiti sa labi at ang gumising sa umaga na masaya. sa kanya ko unang binuksan ang sarili ko na magmamahal. dahil siya ang nagturo saken nun at siya pa lang ang nagpakita nun - sana hindi ako nagpifeeling. sana tama ako sa pinagsasabi ko rito..

sort of mga tatlong buwan lang naman kami - oo kami. sabi ng sarili ko.. away-bati. bati-away. tampo. pero kinareer ko ang bawat minutong inilaan ko para sa kanya. alam ko sa sarili ko na totoo ang nararamdaman kong yun para sa kanya. at alam kong, alam niya iyon. dahil sa tingin ko naiparamdam ko sa kanya.

totoo. orig. genuine. unconditional. sa kanya ko nakita na walang mata ang pagibig. walang sinisino. tinanggap ko siya ng kung ano siya. hindi ko siya pinilit minsan na magbago para saken. tinanggap niya ako, kung sino ako at kung ano ako. wala akong narinig na masamang salita mula sa kanya. wala akong galit sa kanya. walang pagkamuhi. puro pagmamahal lang. at oo napakabaduy ko, dati niya nang alam yun.

balewala.

hindi ko rin naman siya masisisi. dahil ayoko siyang sisihin. siya ang nagtanim ng kung anumang meron ako sa puso ko, para sa kanya. pero siya na rin ang kusang pumatay ng kung anumang meron ako sa puso ko, para sa kanya. hindi ko rin naman siya masisisi. dahil ayoko siyang sisihin. at oo. paulit-ulit lang ako. dahil ganito naman talaga ang buhay. cycle.

alam ko naman nung una pa lang. nasa pinakaunang phase pa lang alam ko ng imposible. sapak sa buwan ang lahat. hanggang tanaw lang ako sa kanya. pero sa walang anu-ano iniabot niya ang kamay niya para sagipin ako. kinuha ko ang kamay niya, nagbabakasakaling mapaghuhugutan ko ito ng lakas, subalit kinuha niya lang pala ito para bitawan. natagpuan ko na lang na akap-akap ko ang sarili ko. wala na pala ang taong inaasahan kong yumakap saken.

ang tanga ko lang nung mga panahong yun.

itinapon ka. nagkabasag basag, nagkadurog-durog. pinulot kita. sinubukan kong kompunihin ka, dahil tanga ako, binalewala ko ang warning saken ng utak ko na baka masugatan lang ako. binggo. tama ang kokote ko. nasugatan nga ako. nasugatan sa pagbabakasakaling muli kang mabuo. hindi pala ako ang makakabuo sa iyo. dahil yung nagtapon sayo, siya rin pala ang kokompleto sayo. tama ako ano? tama nga.

sorry. dahil ang lakas ng loob ko. ang kapal ng mukha ko. ang lapad ng noo kong magfeeling superhero na sasagip sayo. ako pa pala ang kontrabida.

time will heal all wounds. gasgas na linya. pero saktong-sakto sa kadramahan ko ngayon. naaalala mo pa ang 100days? ang shooting star? ang ulan? ang till next time? ang penguin? ang mcflurry? ang homeworks? ang crayons? si sipunin? si kemist at si scientist? hehe. wag mo ng alalahanin. dahil pauso ko lang ang mga yun. as if naman may pakelam ka sa mga yun ano? wala? okey :D. sabi ko nga wala.

bat ko to sinasabi? bat ko to kinukwento? bat ko to inaalala ule?

para malaman mong hindi kita nakakalimutan (pero wala ng malisya. paramis.). at para malaman mong isa ako sa mga taong unang magiging masaya kapag nakita kang masaya NA...

at teka. opo. walang pong halong bitterness ang entry na ito. parang tribute tribute chenez lang. tae, kamuka mo na ba si Rizal? hindi. mas macho ka dun.

ang madrama may tae sa pwet. >:)

para sa isang napakagandang nakaraan. hahahaha

19.5.09
phailed!


parang kumuha ka lang ng exam, alam na alam mo sa sarili mo na, bago ka tumapak sa classroom para itake yung exam na iyon is papasa ka. alam na alam mo, tama ang karamihan sa mga naisagot mo. wala kang instructions na nakalimutang sundin. alam mo sa sarili mo na 80% papasa ka na, at pagkalabas mo ng classroom na iyon pwede kang sumigaw ng PAPABURGER AKO!!SAMA KAYO?

pero alam na alam mo din sa sarili mo na nagdeday dreaming ka lang, na imahinasyon mo lang pala ang lahat. napakatanga mo lang bata ka. wala kang ginawa kundi ang umasa.

biglang pumutok ang bula ng iyong mga ilusyon. naglahong mistulang abo. naging alikabok at nilipad ng hangin. ang akala mong burger na hawak hawak mo na at isusubo ay naging buhangin. pooof. gone with the wind.

mabilis na nawawala ang lahat ng akala mong walang planong mawala. mabilis magpalit ng araw ang kalendaryo at mabilis mapanis ang ulam na hinayaan mong nakabukas lang ang lalagyanan. gaya ng pagmamahal sa mga panahong ito. napakabilis kumupas. mawala. mapanis. sadyang sayang ang lahat ng pinagsamahang panahon. pero wala kang magagawa. eh ganon eh. ganon lang talaga.

wag kang humihikbi. kasalanan mo yan sa sarili mo. wag mong sisisihin kelanman sila o siya o kung sino mang nilalang ang nakapanakit sayo. ikaw ang mismong gumawa ng gusot na yan. ikaw ang gumawa ng patibong para sa sarili mo. kinakailangan mo yang lusutan at lagpasan. it's either magpakatalo ka, o magmatigas na parang sundalong hapon - kamikazee!

ikaw ang gumamay ng istoryang binuo mo sa isipan mo. ikaw ang naghabi ng lahat ng pangyayaring nagaganap sayo ngayon. at ikaw din mismo ang dapat na tumapos nyan. at kung kelan ang panahong yun? dapat ngayon na.

oras na. tamang oras para tapusin ang lahat. burahin ang lahat ng nagawa mong mali. magbago. tumayo sa pagkakalugmok. anlaki na ng nagawa mong sakuna. tama na. pagpahingahin mo naman ang sarili mo, utang na loob.

kelan ka ba kasi magtitino? kelan ka matututo? nakaisa ka na. wag mong sabihing papangalawa ka pa?

dyos ko ka!

krung krung

03.05.09
hey ! you ! yes ! you !
nakukrung krung ka na naman?
hoy. ano ka ba naman? anong nakain mo? aah! alam ko na. mabigat na problema ano? tsk. sabi na.
alam mo, kung dinidibdib mo lahat ng nangyayari sa buhay mo, sakit sa bangs at sa batok lang ang mapapala mo. oops. marami pa pala. pwede ring cancer. konsumisyon. at marami ka pang choices na pwedeng pagpilian.
hindi mo ba alam? o talagang hindi mo inaalam. pwes, dapat mong malaman. ang lahat ng bagay lumilipas. kumukupas. naluluma. nagiiba. nagbabago. umaalis. lumilisan. pumapanaw. pero ang mga ito, laging may hatid na aral. kesyo maganda ang naidulot sayo, o tinubuan ka ba ng kulani sa singit dulot nito.
they come. and they will just go.
ganun. wag mong kinakarir ang lahat. sarili mo lang din ang kinakawawa mo. at pwede ba, wag mong pinagtutuunan ng pansin ang mga bagay-bagay na naganap na. useless. lumipas na yun. bumangon ka. dumilat at maghilamos ng mukha. magtanggal ng muta dahil masarap ang almusal.
hindi mo pepwedeng itali ang buhay mo sa kahapon. sus ginoo! pano ka makakalimot kung ikaw na mismo ang ayaw makalimot. ikaw at ikaw lang din ang bukod tanging taong tutulong sa sarili mo. wala ng iba.
huwag ka ngang umarteng desperado/da. huwag mong hahayaang maging ganyan ka na lang habang buhay. responsibilidad mo ang buhay mo. hindi mo ito pepwedeng iasa sa jowa mo. sa nanay mo. o sa kahit na sinong wolverine.
tandaan mo. laging nakasalalay sa mga palad mo ang mangyayari sayo sa kinabukasan. kung inuulan ka man ngayon ng problema. at walang nag-aalok ng payong sayo. hayaan mo. mapapagod din ang ulan. kusa itong titigil. tiis tiis lang. weder weder lang yan.
maging positibo ang pananaw mo sa buhay. makontento ka sa kung anong meron ka. matuto kang magpasalamat. buti ka pa nga meron kahit papano, e yung iba? diba. kinakapos pa.
lastly. tanda mo pa ba ang motto sa star scout? LAGING HANDA. mismo! ganun.
ewan ko ba kung saan saan ko napulot yang mga ideyang nandyan. hahahahaha. bahala na kayo. babayu.
 

pamamaalam

ang bawat pagsikat ng araw ay may paglubog.
ang bawat simula may kapalit na wakas.

gano man kalawak ang landas, meron pa rin itong hangganan.
gano man kalawak ang karagatan, sa dako paroon meron pa rin itong sukdulan.

tignan mo ang hangin.
tama. hindi mo nakikita.
pero nadarama mo ang malambing nitong pagdampi sa iyong pisnge.

masdan mo ang langit,
diba kay payapa.
pero mamaya, kukulimlim yan. at magbubuhos ng tubig sa lupang tigang.

walang hanggan ang buhay,
hindi natatapos sa kamatayan ang lahat.
maaring dito sa mundo panandalian kang lilipas.
subalit babaunin nila, ang maiiwan mong alaala.
na kelanmay di kukupas.

nakakapanlumo man.
kelangan ka ng ihatid sa iyong huling hantungan.
hayaan mong manatili ang mga sandaling kasama ka nila.

mananatili kang buhay, sa puso ng bawat isa.
mananatili kang buhay, sa alaala nila.

paalam sayo kaibigan.
hanggang sa muling pagkikita.

Para kay BRO.


Ikaw ang simula
Ikaw ang wakas.


Pinipilit mo kong mahalin.
Kahit napakasama ko.
Andyan ka pa rin kapag nadadapa ako,
Inaalalayang muling makatayo.

Ikaw ang lahat.
Ikaw ang pagmamahal.

Ilang beses na kitang isinuko.
Ilang beses na rin akong nagsumamo.
Anumang gawin ko,
Andyan ka pa rin upang saluhin ako.

Nakikinig ka ba?
Nakikinig ka nga.
Salamat sa lahat...

Ilang beses na kitang sinaktan
Itinulak palayo.
Iniwasan at binigo,
Nandyan ka pa ba?

Nandyan ka pa nga.

Pinipilit kong punan ang kulang.
Umaasang makahanap ng pagmamahal.
Nabigo at nasaktan.
Di ko man lang napansin.

Nandyan ka pala.

Alam ko na.
Alam na alam ko na ngayon.
Andyan ka lang.
 
 

3.7.10

101

bakit nga ba ang puso pag nagmamahal na, ay sadyang nakapagtataka?
bakit yun? kanta yun?
bakit ka nangingialam?
bakit may pakialamera?
bakit ayoko sa tanong na bakit?
bakit nga ba?
bakit mas mapula ang lips ko kapag bagong gising ako?
bakit namumula ang dulo ng ilong pag nahahatching?
bakit ako tumaba? payat naman ako dati. :|
bakit sila may pacleavage cleavage?
bakit kelangan mong magmahal kung masasaktan ka rin lang?
bakit ka maarte di naman bagay sayo?
bakit kelangan mong maging masaya? para saan?
bakit ka feeling?
bakit si noynoy ang nanalo?
bakit hindi?
bakit ayoko sa pandak na lalake?
bakit mukhang bading ang mga koreanong lalake?
bakit walang maitim na chinese?
bakit si kokey walang buhok?
bakit may gravity?
bakit mo ko namimiss? :">
bakit kelangan magmake love?
bakit ayaw mo ko kausapin?
bakit nalab kita lalabs? hindi ka naman gwapo? sabi ng lolo may toyo ang utak ko. sabi ng lola ay humanap ng iba. may pera't mayaman TL wala naman =))
bakit kita kakalimutan?
bakit hindi pwede?
bakit pwede naman ah?
bakit ayaw mo ko?
bakit gusto ba kita?
bakit masama ang amoy ng utot?
bakit ka may putok?
bakit ayaw mo magdeodorant?
bakit ka nagpapabango, wala namang aamoy?
bakit mabaho ang hininga mo sa umaga?
bakit ako mabango ang hininga ko kahit bagong gising ako?
bakit ako mayabang? kasi maganda ako.
bakit? masama ba?
bakit? sabi ni mama maganda ako eh. :(
bakit ayaw mong maniwala minsan?
bakit ako tanong ng tanong?
bakit ang butiki nasa kisame?
bakit si lady gaga hindi nagpapantalon?
bakit bilog ang mundo? pwede naman square?
bakit kita kilala? di mo naman ako kilala?
bakit ako madaldal dito?
bakit hindi ako kalbo?
bakit siya?
bakit ikaw? pwede naman ako?
bakit ka nandito?
bakit ka ngumingiti?
bakit ka natutuwa?
bakit ka nagagandahan saken?
bakit mo ko mahal?? :">
bakit ako natatawa ng magisa?
bakit ako nababaliw?
bakit binabasa mo tong blog ko?
bakit sino ka ba?
bakit hindi pwedeng mali ang tama?
bakit pag tama ka ba hindi ka na mali?
bakit komplikado ang math?
bakit komplikado ang buhay?
bakit simple lang naman sana ang gusto nating lahat, ang maging masaya?
bakit merong inte-integers? nagagamit ba yun sa pagbili mo sa palengke?
bakit pa may negative at positive?
bakit may remainder at can not be?
bakit? pwede naman magborrow tapos carry one diba?
bakit =))?
bakit ka nagaaral ng geometry?
bakit ewan?
bakit mo kelangang malaman ang kasaysayan kung past is past na nga diba?
bakit? bakit? bakit?
bakit kelangan mong magasawa?
bakit mo kelangan mabuhay kung mamatay din lang?
bakit ka nandito sa mundo ayz?
bakit me dagat? display?
bakit me bundok? display rin?
bakit me stars? display din?
bakit ako nangingialam kay Lord?
bakir Lord?
bakit ka baliw?
bakit ka panget?
bakit mayroon ang iba?
bakit ikaw wala?
bakit wala kang mahanap sa wala?
bakit ka ganyan?
bakit kita mahal johnlloyd?
bakit ako maputi?
bakit si mama pa?
bakit si papa pa?
bakit si rich pa?
bakit sila pa? ako na lang sana. :"|
bakit madilim?
kasi pinatay mo ang switch ng ilaw. tanga.
bakit ayaw mo matulog na, ha?
bakit? bakit? bakit?

pang101 post ko to!! yehey!! :))