5.7.10

pamamaalam

ang bawat pagsikat ng araw ay may paglubog.
ang bawat simula may kapalit na wakas.

gano man kalawak ang landas, meron pa rin itong hangganan.
gano man kalawak ang karagatan, sa dako paroon meron pa rin itong sukdulan.

tignan mo ang hangin.
tama. hindi mo nakikita.
pero nadarama mo ang malambing nitong pagdampi sa iyong pisnge.

masdan mo ang langit,
diba kay payapa.
pero mamaya, kukulimlim yan. at magbubuhos ng tubig sa lupang tigang.

walang hanggan ang buhay,
hindi natatapos sa kamatayan ang lahat.
maaring dito sa mundo panandalian kang lilipas.
subalit babaunin nila, ang maiiwan mong alaala.
na kelanmay di kukupas.

nakakapanlumo man.
kelangan ka ng ihatid sa iyong huling hantungan.
hayaan mong manatili ang mga sandaling kasama ka nila.

mananatili kang buhay, sa puso ng bawat isa.
mananatili kang buhay, sa alaala nila.

paalam sayo kaibigan.
hanggang sa muling pagkikita.

No comments:

Post a Comment