medyo mahaba itong post na to. ngayon ko lang nais ulit dumada dito malay mo, mamatay na ko bukas, at least masaya akong yayao. nagawa ko ang gusto ko. ang magkwento. ang magbahagi ng kaunting piraso ng buhay ko sa iba.
sarisari na 'tong tatalakayin ko dito. medyo may pagkanonsense yung iba, depende na rin kung papano nyo iintindihin ang mga salitang binuo ko. depende na rin marahil sa kung anong meron yang kukute nyo. k. umpisahan ko na.
AKO
alam kong suplada ako minsan. hindi ako yung tipikal na babaeng maharot. at mas lalong hindi ako palakaibigan. palangiti naman ako. dito lang ako sa mundo ng intarnet madaldal pero sa totoo? hangga't di mo ko kinikibo, di din kita kikibuin. masayahing babae. makulit makulit. mangmang :(. kinagigiliwan naman kahit papano, hehe. simpleng astig? pwede din.
Sila
kokonti lang ang kaibigan ko. oo. iilan lang ang nakakakilala sakin. mas marami siguro ang nakikilala ako sa mukha *insert-ubod ng laking ngiti-here*. hindi ako people pleaser. pakialam ko kung ayaw nila saken? ayaw ko rin naman sa kanila. suplada ako at pilosopa. nasa dugo ko na rin ata yung pagkapalaban ko. ayoko lang naman ng pinakikialaman ako, dahil unang-una hindi ko naman ugali ang mangialam.
Ayoko
marami rami rin akong hindi gusto sa buhay. gaya ng, ayaw ko sa ngipin ko. ayaw ko sa buhok ko. ayaw ko sa baboy. ayaw ko sa karne ng baboy. nakakasuka. ayaw ko sa gusto mo. ayaw ko ng sobrang maayos. ayaw ko din ng magulo. at marami pang iba.
Mahal ko.
mahal ko ang lahat ng mga taong minamahal din ako. haha. mahal ko ang mga kapatid ko. mahal ko ang trabaho ko. mahal ko ang buhay at ang mundo. mahal ko na rin si ano saka si ano yung taga-ano na mahaba yung ano...buhok ayy. :))
higit sa lahat gaya ng mas nakararami isa lang din ang gusto kong mangyari. ang mabuhay ng payapa at masaya. Go! :)
hindi pala mahaba to. wahahaa. phail.
30.8.10
20.8.10
i am happy now.
i feel good. i am happy. i feel good. i am happy. i feel good. i am happy. i am happy. i feel good. i feel good. i am happy.i feel good. i am happy. i feel good. i am happy. i feel good. i am happy.i feel good. i am happy.i feel good. i am happy.i feel good. i am happy.i feel good. i am happy.i feel good. i am happy.i feel good. i am happy.i feel good. i am happy.i feel good. i am happy.
yes! at last! hehehehe
yes! at last! hehehehe
14.8.10
payts!
" You shine brighter than anyone !"
hindi naman dahil sa ganyan ka, eh hahayaan mo na lang silang hamak-hamakin ka. mali. may mga aspetong mas malaki ang lamang mo sa kanila, marahil sa paramihan ng laman ang bulsa, talo ka, pero pag pagandahan ng kalooban, pupusta ko. mananalo ka. anlaki kaya ng inilamang mo sa kanila.
pango man ang iyong ilong. di man kakinisan yang pagmumukang yan. wala namang bahid ng mantsa ang pagkatao mo. mas mabango ka pa sa kanila. oo. maniwala ka. hindi maitatago ng victoria's secret ang malansa nilang amoy. umaalingasaw
balot ka man ng bilbil, atleast alam mo sa sarili mo na ang lahat ng kinain at kakaiinin mo ay bunga ng yung pagpapagod. matututulog ka sa gabi ng mahimbing at magigising ka kinabukasan nang may ngiti sa labi.
dahil wala kang inagrabyadong tao. wala kang nasaktan. wala kang naapi. wala kang natapakang paa na may ingrown. :)
mas masaya mamuhay ng simple. naniniwala kang may Diyos na may gumagabay sa iyo. nangangarap ka. at naniniwala kang makakamit mo ang mga ito. nakakain ka ng tatlong beses sa isang araw bonus na lang yung merienda at midnight snack.
san ka pa? bat ka namomroblema? sa kanila? baket sila namroblema ba sila sayo?
hindi. :)
mabuhay ka ng payapa.

love me or leave me alone.
i am starting to love myself. i am starting to accept the fact that i am this. they are that. i am unique. i am not like them. i can now laugh at my weaknesses. i can now boast my capacities. i will say what's on my mind. i will not mind if i please other people or not, just as long as i don't hurt anyone. i will believe with what i believe and i'm gonna love me. for better or for worse.
i won't care if i can see them laughing at me. i won't care if they outcast me. i won't care as long as i am happy with my being and with what i am doing and i don't hurt anybody, i'll go with it.
it's time to LIVE. :)

13.8.10
I WAS HERE.
"Living my dream is my song to the world."
I never wanted to be a Doctor, but I wish I could help anyone getting through with whatever pain he/she is undergoing.
I never wanted to be a Writer, but I wish I could write into everyone's mind I knew, how good life is.
I never wanted to be Hero, I just wish to be just ME lending a hand, helping other in my own little way.
I never wanted to be a Painter, but I wish I could paint smile into everyone's faces whenever they remember me.
I never wanted to be a Teacher, but I wish I could convey to the youth how important education is.
I never wanted to be a Photographer, but I wish I could capture every moments of joy that's happening.
I never wanted to be a Dancer but I wish I could show to the world in every move I make that I was here.
Cause I know it's my destiny to leave more than a trace of myself in this place...
"I wanna do somethin’ that matters, say somethin’ different, somethin’ that sets the whole world on it's ear. I wanna do somethin better, with the time I've been given. I wanna try to touch a few hearts in this life, and leave nothin’ less than something that says I was here." -Lady Antellebum, AT&T TEAM USA Soundtrack.
6.8.10
dahil sa ulan.
Tahimik akong nakaupo sa sulok, taimtim na nanalangin na sana lahat ng bangungot ng nakaraan ay tuluyan na akong lulubayan.
Agosto noon, nang malaman namin ang kondisyon ni Mama. Hindi ko pa alam noon kung anong gagawin, kung sasabihin ko ba ito sa kanya o, hahayaan ko na lang na mabuhay siyang walang ideya sa kung anong nangyayari sa kanya.
"Nanay, asan ho ang asawa niyo?"
"Wala na po. Siya po ang panganay kong anak." Sabay turo saken ni Mama, ako naman namumutlang nakatingin sa Dr. Walang nabuong ideya sa utak ko, naririnig ko na lang na mas malakas pa yung kabog ng dibdib ko kesa sa boses ng Dr. at ni Mama. Umupo ako at sumandal sa pader. Iba ang tinatakbo ng isip ko ng mga sandaling iyon. "Iha, kakausapin kita mamaya ha. Sabayan mo ko paglabas." Sabi ng lalaking, Dyos sa paningin ko noong mga panahong iyon. Eh kasi nakaputi si Dok, at maamo ang mukha. "Opo" agad kong sagot. Hindi na ko pinatahimik ng naturan nyang salita. Kinati nito ang mga kaugatan ko sa noo at kinalikot ang lahat ng nerbiyos na meron ako sa katawan. Alam kong may mali eh, alam ko yung mga linyang yun. Pamilyar saken, bilang tagapanood ng mga telenobela sa telebisyon. Hindi ko din kayang dayain ang sarili ko na wag magisip ng kung anu-ano, kasi hindi ko na pepwedeng idaan sa ngiti ang lahat ng nangyayari. Alam ko pangit man ang iniisip kong ideya, malaki ang posibilidad na mangyari yun. Hanggang sa hindi ko na malaman kung ano ang gagawin ko. Kung wag ko na lang bang kausapin si Dr Kintanar o bahala na. Bago ko lumabas ng kwarto, tanda ko yung mga tingin na ipinukol sakin ni Mama bago ko tinungo ang pinto. Gustohin ko man na bumalik at akapin siya at mahagkan para maramdaman nyang magiging maayos ang lahat pero hindi ko nagawa. Selfish ako eh, ayokong nakikita nya na nahihirapan ako. Ayokong ipasa pa sa kanya ang anumang pangit na saloobin. Ayokong makadagdag yun sa sakit na nararamdaman nya kasi alam kong nahihirapan na rin siya. Lumabas ako at inakbayan ako ng Doktor. Akala ko aalukin nya ko ng indecent proposal. Joke. Tumungo kami sa nurse station at yung mga nurse parang binayaran sa pag-acting. Lugmok ang mga mukha. Malungkot. Hindi maipinta ang mga pagmumukha. Para bang ipinahihiwatig na nila saken ang masamang balita. Di na ko nagpaligoy ligoy pa. "DOK KAMUSTA HO ANG MAMA KO?" Ang lalim ng sagot nya. Buntong Hininga. Sabay abot ng chart ni Mama "Basahin mo Iha." Binasa ko ang resulta ng kanyang "Peripheral Smear." Umislow-mo ang lahat at sinabayan ng pagbabasa ng mata ko ang tenga sa pakikinig sa utal na si Dok. "Pinagawa ko ang test na yan sa Mama mo, para malaman ko kung anong uri ng anemia meron siya. Pakibasa ng malakas." Utos niya. Binasa ko ng malakas yung puro medical word na resulta. "Possible Lymphocetic Leukemia" Leukemia. Leukemia. Leukemia. Cancer sa dugo. Nanginginig yung kamay ko, pinilit kong umayos at maging poise, ayokong ngumawa na parang baka, kahit yun talaga ang gusto kong gawin nung mga oras na iyon. Ayoko na mahinga. AYOKKOOOOO NAAAAA. sabi ng utak ko. Umiyak ako ng with poise. Pinahid ko yung mga luha ko saka ibinalik yun chart.
"Dok. Anong pwedeng gawin? Papano na? Dito muna kami or ididischarge mo kami? Si Mama ang alam nya, makakauwi na siya sa linggo eh."
"Oo pauuwiin ko kayo. *insert pilyong ngiti* I will refer you to Davao Medical Center, you bring your Mom there and they will take care of her."
"Dok. HIndi ako naniniwala dyan sa lab result. Pwede po ba second opinion?"
"Mas mabuti. I think it would be much better if you will try to consult a hematologist"
"Sige po Dok."
Umalis ako sa harapan nya at ng mga nurse na walang gatol. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Iyak ako ng iyak sa harap ng pintuan ng silid ni Mama. Para bang nalaglag saken balikat ko ang mundo. Seryoso. Nag-ayos ako ng sarili at pumasok sa loob ng kwarto ni Mama. Si Mama alam na wala ako sa mood. Yung mata nya hindi makatingin saken. Ako naman parang si tanga pinipilit ngumiti. "Lalabas na raw tayo sa linggo Ma, sa wakas. Kakain tayo Durian. Kadayawan eh, punta tayo Davao." Naiyak ako sa harapan nya ng dapat ay hindi. "May ipabibili ka ba Ma?" Lumapit ako at inakap ko siya ng mahigpit. Putang ina din talaga nitong katawan natin eh no? Alam kong kelan reresponde sa stressor eh. Humihikbi ako habang pinupunasan ko ng kunyari yung likod nya. "Gusto mo orange Ma?" simula noong mga panahon nya para ko na siyang baby. Nagpalit kami ng role sa buhay. Ako yung nanay nya, siya yung anak ko. "Ai, kung anuman yang iniiyak mo, wag mong sasabihin sakin anak, ayoko makarinig ng pangit na salita." Katahimikan. Nanginginig pa rin yung kamay ko habang inaayos yung buhok nya. Naisip ko hindi ko kakayanin magNurse sa sarili kong ina. Marupok ako. "Wala Mama ah. Bibili na kita muna ha.. Freshmilk lang ba saka orange?" "Grapes din" yun lang ang sagot nya.
Paroon at parito ang utak ko, kasabay ng mabilisan kong paglalakad palabas ng kwarto nya. Naguunahang mahulog ang mga luhang kanina ko pa pinipilit na wag iiyak sa harapan ni Mama. Sinalubong ako ng isa nyang kapatid sa daan.
"Ano na Ai? Si Mama mo?"
"Tara kol, samahan mo muna ko. Kain tayo" Pabiro kong sinabi sa kanya. Hinatid nya ko sa Mall. Habang nasa daan, iyak na ako ng iyak habang kinekwento sa kanya ang kondisyon ni Mama. Tinanong ko siya kung anong dapat gawin pero ang sabi nya lang "tanungin mo din yung iba mong tyahin. wag na wag mong sasabihin sa nanay mo yung kalagayan nya"
Naglalakad akong lutaw ang cleavage este ang kaluluwa. Hungkag ang pagkatao. Maga ang mata. Di malaman kung kakampi ko pa ba ang mundo o talagang mula nung ipinanganak ako kasabay ko na rin ipinanganak dito sa mundo ang kamalasan.
Pinagtitinginan ako ng lahat ng taong nakakasalubong ko. Siguro inakala nilang mestisang baliw ako na nakalabas sa mental at naligaw sa mall para mag-amok. Totoong gusto kong mag-amok. Sobrang sakit sakit sakit sakit na para bang gusto ko na ring ilibing ang sarili ko ng buhay. Para kong robot na umiiyak. Pahid ng pahid ng luha. Walang direksyon ang paglalakad. Nakakabuwisit lahat ng tao na nakikita kong masaya. Naiingit ako sa mga batang kasamang naggogrocery yung nanay nila. Naalala ko kami ni Mama, kapag namamalengke, kapag nagkekwentuhan, kapag chinichika ko sya habang ako'y sinesermunan nya. Iniisip ko kung magagawa pa ba namin yun. Iniisip ko kung hanggang kelan kaya si Mama si mundo.
Bumalik ako sa hospital na hindi ko alam kung papano ko haharapin si Mama nang hindi naiiyak. Pagbalik ko, nagtatanong yung nakakabata kong kapatid kung napano si Mama, di ko sinasagot. Tanong siya ng tanong. Pagbalik ko, nadatnan ko si Mama na nakaoxygen na. Tapos nung pagbukas ko ng pinto umiiyak siya, kasi gusto nyang ipatanggal yung oxygen nya. Ipinatanggal ko sa mga nurse at nakatulog siya ng mahimbing. Hinila ko si Nen sa banyo, at doon ko sinabi ang lahat "Nen iiyak na natin lahat..para mamaya pagkanagising si Mama wala ng luhang papatak." Para kaming tanga sa loob ng banyo, pinatatahan ang bawat isa....
Parang ngayon lang din.... Habang ginagawa ko to.... Pinatatahan ko si Nen, na umiiyak habang ako naman ay pinatatahan nya rin.
Ayoko na sanang balikan pa ang mga iyon, pero andito sila sa utak ko. Minumulto ako ng bangungot na yun.
Kelanman hindi mapapantayan ang pagmamahal ng isang Ina para sa kanyang mga anak. Naalala ko yung huling mga salitang nabitawan ni Mama noong medyo malakas lakas pa siya at maayos pang magsalita. "Ai, wag mong dinadaan sa iyak ang lahat. Hindi sagot yang luha mo sa problema.... Ayokong nakikitang umiiyak ka." Matapang si Mama iyon ang ugaling hindi ko namana sa kanya. Sa bawat pagkakataong kinukuhanan siya ng dugo para gawing sample hindi mo makikita yung mukha nyang nangingiwi. Nakatingin lang siya sa malayo..Payapa.. Nakukuha nya pang magpatawa sa kabila ng kalagayan nya.
Pasensya at ubod ng haba itong naitype ko. hehe.
Sabi ko nga doon sa journal ko... "DIbaleng ilang gabing pagpupuyat ang abutin ko. Di bale nang humiga ako sa labas ng ICU at mapapak ng lamok. Dibale ng magkandakuba ako, kakapalit ng diaper ni Mama, gagawin at gagawin ko. Maipadama ko lang muli sa kanya kung gano ko siya kamahal. Maibalik ko lang ng kahit kaunti yung ginawa nyang pag-aaruga samin..
Sa bawat taong naliligaw dito sa blog ko, mahalin nyo ang mga magulang nyo habang naririyan pa sila. Ipakita nyong hindi sila nagkamali nung buhayin nila kayo sa mundo.
Mahal na mahal ko si Mama at namimiss ko siya. :)
***paumanhin sa napakaraming typographical error. nakakapagod magedit eh. mwah.

5.8.10
yesss!!!
maswerte ang makakakuha ng dugong ito. hehehe. natupad na rin sa wakas ang isa sa mga wish kong makapagdonate ng dugo.
feeling ko ANGEL ako. ehehehe. :">
4.8.10
=)
"I shall pass through this life but once. Any good therefore that I can show, let me do it now. Let me not defer or neglect it. For I shall never pass this way again. -Etienne de Grellet"
3.8.10
i can.
hindi madali ang maging AKO. hindi talaga pramis.
minsan napapaisip na lang ako kung papano ko nakakaya ang lahat. nagtataka ako kung san ko nakukuha yung lakas ng loob at tibay ng tuhod para pagadaanan lahat lahat ng nangyayari ngayon.
minsan, napapahagalpak na lang ako sa tawa sabay sabing "napakabangis mo ayz! galing!"
hindi biro ang mawalan ng ama. at ng ahm.. - ina. oo. sa parehong paraan na nawalan ka ng bahay. pero maswerte pa rin ako kahit papano dahil meron at meron pa rin naman akong ikinaswerte. oo. angkulet ko.
"sanayan lang yan!"
ilan sa mga pinakapaborito kong linya. pero kahit na ganoon, masasabi ko pa ring kahit papano,
eh NABIYAYAAN PA RIN AKO :)
loveyouLord :D

oktubre.
nakikita kita sa lahat ng taong nakapaligid saken. nararamdaman kong andyan ka lang. nakikita kita sa kanila mama.
alam mong pinipilit kong kayanin at tanggapin ang lahat ng obligasyong iniatang mo saken. oo. INIATANG. medyo malalim ang salitang iyon nay. at dahil sa sobrang lalim. ayoko ng sisirin. joke leng.
Ma, mali bang hanapin ka? mali ba ang mamiss ka? mali ba ang hanapan ka ng katumbas? mas gusto kong isiping hindi. eh kase naman. hindi ko pa kayang pakawalan lahat ng ala-alang naiwan mo.
patawarin mo ko Ma, kung hanggang ngayon hinahanap hanap ko pa rin yung nakahanda kong agahan sa mesa, yung isang baso ng gatas bago ako matulog, yung mapagmahal na hagod sa likod kapag naiiyak ako, yung mga payo mo tungkol sa buhay, yung mga pinalantsa mong uniporme ko, yung hinanda mong mga gamit na ikaw pa mismo ang naglalagay sa bag ko. namimiss ko po ang lahat ng yun. at hindi ko man sadyain nalulungkot ako. nagsisimula na ngang mangilid yung luha sa mata ko eh.
Mama, kelan kaya kita ulet pwedeng makita? totoo kaya si san pedro? :D eh yung porgatoryo? eh asan ka po ngayon? :((
nakikita mo ba kami? alam mo ba lahat ng nangyayari samen? :((
Ma namimiss ka na namin. namimiss ko na yung boses mo, yung mga tawa mo :(
balitaan mo naman ako :((..
muuuuah. love you Mama..
galing sa journal ko.

...
I have been into lots of problems. I guess trouble is my friend - bestfriend. I have been asking God quite sometime, for all the things occurring and for every problems existing but I do not allow any moments to not thank God, for littlest joys that comes surprisingly.
I have never been a good one nor the best daughter that any mom could ever have. I was just this mediocre, not even trying to prove something. I just let things happen. Why? For the reason that "I DON'T PLAN. and I REALLY DON'T.
Mama always told me, that I could never reach something if I won't change. I never understand why she kept on reminding me those words. I tend to neglect all the things she kept nagging when, she was still alive. But now I do regret.
I regret for I was not able to make her feel proud of me. I regret for I was this really stubborn-selfish-bum. I regret for every moments I made her cry and feel sorry having me as her child.
June 11, the last birthday that she had celebrated. She's 43 yet looked 30. I wrote a letter to her. I never meant it was the last letter that she would read. I told her everything. How much I feel sorry. How much we loved her. How much we thanked God for her, for the life she gave us and how proud we are for having her as our Mama.
I never saw her cry while reading the words that I wrote to her. But while I write the letter, I kept on wiping my cheeks for I can't stopped the tears.
Now, she's permanently gone. She would no longer read this one. We won't hear her nagged again about her principles, beliefs and dreams. We would never have this moment to hug her. We won't hear her scolding us anymore.
Know what's the saddest part of it all? Facing the truth. That she will never come back.

Subscribe to:
Posts (Atom)