" You shine brighter than anyone !"
hindi naman dahil sa ganyan  ka, eh hahayaan mo na lang silang hamak-hamakin ka. mali. may mga  aspetong mas malaki ang lamang mo sa kanila, marahil sa paramihan ng  laman ang bulsa, talo ka, pero pag pagandahan ng kalooban, pupusta ko.  mananalo ka. anlaki kaya ng inilamang mo sa kanila.
pango man ang  iyong ilong. di man kakinisan yang pagmumukang yan. wala namang bahid  ng mantsa ang pagkatao mo. mas mabango ka pa sa kanila. oo. maniwala ka.  hindi maitatago ng victoria's secret ang malansa nilang amoy.  umaalingasaw
balot ka man ng bilbil, atleast alam mo sa sarili mo na  ang lahat ng kinain at kakaiinin mo ay bunga ng yung pagpapagod.  matututulog ka sa gabi ng mahimbing at magigising ka kinabukasan nang  may ngiti sa labi. 
dahil wala kang inagrabyadong tao. wala kang  nasaktan. wala kang naapi. wala kang natapakang paa na may ingrown. :)
mas  masaya mamuhay ng simple. naniniwala kang may Diyos na may gumagabay sa  iyo. nangangarap ka. at naniniwala kang makakamit mo ang mga ito.  nakakain ka ng tatlong beses sa isang araw bonus na lang yung merienda  at midnight snack.
san ka pa? bat ka namomroblema? sa kanila?  baket sila namroblema ba sila sayo?
hindi. :)
mabuhay ka  ng payapa.
No comments:
Post a Comment