30.8.10

ka-ewanan

medyo mahaba itong post na to. ngayon ko lang nais ulit dumada dito malay mo, mamatay na ko bukas, at least masaya akong yayao. nagawa ko ang gusto ko. ang magkwento. ang magbahagi ng kaunting piraso ng buhay ko sa iba.

sarisari na 'tong tatalakayin ko dito. medyo may pagkanonsense yung iba, depende na rin kung papano  nyo iintindihin ang mga salitang binuo ko. depende na rin marahil sa kung anong meron yang kukute nyo. k. umpisahan ko na.

AKO

alam kong suplada ako minsan. hindi ako yung tipikal na babaeng maharot. at mas lalong hindi ako palakaibigan. palangiti naman ako. dito lang ako sa mundo ng intarnet madaldal pero sa totoo? hangga't di mo ko kinikibo, di din kita kikibuin. masayahing babae. makulit makulit. mangmang :(. kinagigiliwan naman kahit papano, hehe. simpleng astig? pwede din.

Sila

kokonti lang ang kaibigan ko. oo. iilan lang ang nakakakilala sakin. mas marami siguro ang nakikilala ako sa mukha *insert-ubod ng laking ngiti-here*. hindi ako people pleaser.  pakialam ko kung ayaw nila saken? ayaw ko rin naman sa kanila. suplada ako at pilosopa. nasa dugo ko na rin ata yung pagkapalaban ko. ayoko lang naman ng pinakikialaman ako, dahil unang-una hindi ko naman ugali ang mangialam.

Ayoko

marami rami rin akong hindi gusto sa buhay. gaya ng, ayaw ko sa ngipin ko. ayaw ko sa buhok ko. ayaw ko sa baboy. ayaw ko sa karne ng baboy. nakakasuka. ayaw ko sa gusto mo. ayaw ko ng sobrang maayos. ayaw ko din ng magulo. at marami pang iba.

Mahal ko.

mahal ko ang lahat ng mga taong minamahal din ako. haha. mahal ko ang mga kapatid ko. mahal ko ang trabaho ko. mahal ko ang buhay at ang mundo. mahal ko na rin si ano saka si ano yung taga-ano na mahaba yung ano...buhok ayy. :))

higit sa lahat gaya ng mas nakararami isa lang din ang gusto kong mangyari. ang mabuhay ng payapa at masaya. Go! :)

hindi pala mahaba to. wahahaa. phail.

No comments:

Post a Comment