3.8.10

oktubre.

nakikita kita sa lahat ng taong nakapaligid saken. nararamdaman kong andyan ka lang. nakikita kita sa kanila mama.

alam mong pinipilit kong kayanin at tanggapin ang lahat ng obligasyong iniatang mo saken. oo. INIATANG. medyo malalim ang salitang iyon nay. at dahil sa sobrang lalim. ayoko ng sisirin. joke leng.

Ma, mali bang hanapin ka? mali ba ang mamiss ka? mali ba ang hanapan ka ng katumbas? mas gusto kong isiping hindi. eh kase naman. hindi ko pa kayang pakawalan lahat ng ala-alang naiwan mo.

patawarin mo ko Ma, kung hanggang ngayon hinahanap hanap ko pa rin yung nakahanda kong agahan sa mesa, yung isang baso ng gatas bago ako matulog, yung mapagmahal na hagod sa likod kapag naiiyak ako, yung mga payo mo tungkol sa buhay, yung mga pinalantsa mong uniporme ko, yung hinanda mong mga gamit na ikaw pa mismo ang naglalagay sa bag ko. namimiss ko po ang lahat ng yun. at hindi ko man sadyain nalulungkot ako. nagsisimula na ngang mangilid yung luha sa mata ko eh.

Mama, kelan kaya kita ulet pwedeng makita? totoo kaya si san pedro? :D eh yung porgatoryo? eh asan ka po ngayon? :((

nakikita mo ba kami? alam mo ba lahat ng nangyayari samen? :((

Ma namimiss ka na namin. namimiss ko na yung boses mo, yung mga tawa mo :(

balitaan mo naman ako :((..

muuuuah. love you Mama..


galing sa journal ko.

No comments:

Post a Comment