17.6.10

ika-17 ng Hunyo.

wag mo sisihin sarili mo kung naiisip mo pa siya diba. may pagkakataon talagang ganun...
-poy

Hindi siya sumuko. alam ko. kahit sabihin na nating ako ang naiwang nakabitin sa ere alam ko, hindi siya umayaw. a alam ko hanggang ngayon, kung kukulitin ko lang siya, marahil ay magpapakulit siya.

isa siya sa mga taong hindi ako pinabayaan noong mga panahong kailangan ko ng karamay. isa siya sa mga taong tumapik sa balikat ko, at nagsabing kaya kong lampasan ang lahat. isa siya sa mga taong alam kong unang ngingiti sa anumang tagumpay na marating ko, at isa din siya sa mga taong labis na pinahalagahan ako. hindi ko lang naisip marahil yan noon.

isa siya sa mga taong nagturo saken kung pano mahalin ang sarili ko higit sa lahat. isa sa mga naniwalang anuman ang dumating saken, makakayanan ko, at isa siya sa mga nangakong kailanmay ay hindi ako iiwan.

ako lang ang nangiwan sa kanya. dahil makasarili ako. inintindi ko lang ang sarili ko pero siya minsan hindi ko nakuhang intindihin.

subalit gusto ko na siyang marinig magpaliwanag ngayon. baka sakaling mabasa nya to, sana malaman nyang ni katiting di nabawasan ang pagpapahalaga ko sa kanya. :'(

ganun ko pa rin ako kaexcited makita siya at makausap. sanaaaaaaa!!! :((

No comments:

Post a Comment