12.5.10

kay ONG!!!

hindi ko inaasahan ang iyong pagdating. akalain mo nga naman.

hinahangaan kita. sa maraming kadahilanan. minsan pa'y pinawi mo ang lahat ng kalungkutang meron ako. muli mong napangiti ang babaeng hindi na alam kung papano ngumiti.

imposible ang lahat. pero dahil sa nakilala kita, parang lahat ng imposible pepwedeng maging posible. sa maikling oras na iginugol ko sayo, nais kong malaman mo na walang minuto ang naaksaya mo.

pinapatawa mo ko ng para bang wala ng bukas. pinapawi ang lahat ng luhang nalalaglag sa pisnge ko. pinahahalagahan ko ang kung anoman meron tayo.

maikli pa man ang panahong ating napagsaluhan, nais kong malaman mo na espesyal ka sakin.

lubos akong nagpapasalamat at dumating ka, at nakilala kita. lahat nga may dahilan, siguro ikaw ang dahilan kung bat kelangan kong mahalin ulit ang buhay ko.

salamat sayo ONG!!! asahan mong hanggat nandito pa ko sa mundo meron at meron kang tagahanga. eh sino pa nga ba e di AKO.

No comments:

Post a Comment