12.5.10

confirmed. positive,

i'm glad that i'm happy.

only love can replace the lost love.

oo. masaya na ako. okay na ako. yehey! atlast! atlast!

after kong sabihin sayo ang mga dapat mong marinig. masaya ako sa ginawa ko. napanatag ang sarili kong kalooban.

ayoko ng isipin na meron pang magaganap na paguusap pagkatapos ng huli nating pagkikita. masasayang lang yung oras ko dito sa mundo kakahintay sayo kung kelan mo paplanohing kausapin ako. malabo eh. napakalabo.

pero ayoko rin namang itali ang utak ko sa konklusyong iyon. gusto ko lang mabigyan ng pagkakataon ang sarili kong maging masaya. dahil alam ko ikakatuwa mo rin ang tuwa ko. dahil magiging masaya din ako pag nakita kitang masaya. sincere na to, hindi ko na pinaplastik.

siguro naging pabugso-bugso ang emosyon ko nitong mga nagdaang araw, kinalaban ko na pati ang sarili kong utak. naaawa ako sa sarili ko sa tuwing binabalikan ko yung mga naipost ko dito. lalong bumaba yun tingin ko sa sarili ko.

ngayon mas lubos ko ng nauunawaan ang mga bagay-bagay. napagtanto kong hindi na nga pala bago saken ang pangyayaring ito. marami na rin pala akong unos na nalagpasan. ito pa kayang problemang pansarili kong kapakanan lang?

bonus na nga lang pala lahat ng to ano? tanga ko. tanga tanga ko talaga, kahit kelan. simpleng math. ayaw ka. e di ayawan mo din. :]

hindi na daw uso yung martir eh. sabagay mas masaya naman akong nagsosolo. XD

No comments:

Post a Comment