wala sa plano kong magblog. pero mas mabuting ilabas ko 'to kesa maaksaya ko na naman ang panahon at ang pagkakataon. pagkakataon na maihayag ang nilalaman ng kukute ko at panahon para mapalipas ko ang minuto nang may kabuluhan.uwian na!! yahuuuu! nasa trabaho ako at nagbablog. :D.
sayang. ayoko sayo.
tama. ayoko sa salitang SAYANG. yun eh dahil, sa hindi ako naniniwalang may panahong nasasayang. kahit gaano mo pa inaksaya ang buhay mo, magbenta ka man ng drugs, humithit ng katol, pumatay ng lumilipad na ipis, manjumbag ng manyak sa kanto alam ko, at alam mong ang lahat ng iyan ay may naidudulot sayo kesyo kagandahan man na kasingganda ko o kapangitang gaya mo. ang lahat nga sabi ni mang pilo na nagtitinda ng paborito kong taho ay MAY DAHILAN. nakakapagod magtype ng walang kabuluhang salita kung pwede mo namang simplehan ano? ang lahat ay may dahilan. uulitin ko.
mabalik tayo sa PANGHIHINAYANG. dibale nang negatibo akong magisip. WALA PA NAMAN AKONG PINANGHIHINAYANGAN. oo. swear! nawalan na ko ng tatay at nanay, nawalan ng bahay at iba pang ari-arian, at nawalan na ko ng apat na walang kwentang boyfriend pero ni minsan hindi ko inisip na MANGHINAYANG. marahil kung bibigyan ako ng choices ng panghihinayangan, yun ay ang mga panahong dapat sana ay inalaan ko sa kanila. lalo na kay mama at papa. kung sana alam ko na, na alam mo na diba? eh di sana noon pa lang araw-araw ko nang ipinaramdam sa kanila na bukod sa maganda ako eh, mahal na mahal ko sila.
nasa pagiisip mo lang naman kasi iyan. kung alam mong sa bandang huli ay magsisisi ka at manghihinayang lang, e di wag mo ng gawin. kung alam mo naman na masama ang idudulot nito sayo, oh eh di wag mo ng subukan. kung alam mo na ang kahahantungan mas maigi pang sa starting line pa lang magquit ka na. mas maigi pang maging talo kesa magcollapse sa gitna ng karera. pero sabagay kaduwagan ang pag-atras sa anumang laban, pero kung alam mo na rin na talo ka na sa umpisa, bat ka pa pupusta? diba? para lang manghinayang ka sa huli?
hindi maling sumubok. oo tama yun. hindi ko iyan kinokontra, pero sa bawat pagtaya mo, sa bawat pagkakataong susubok ka, sa bawat laban na ipupusta mo ang kalahati ng paa mo sa hukay, sisiguraduhin mong hindi ka uuwing pilay, luhaan at higit sa lahat talunan na nanghihinayang.
loser ka na nga. regretful pa. whatapatheticloser.
FIGHT BITCH. KILL THE MOMENT TO WIN ;)
alam mo na kung bat ganyan ang pamagat? k? dun ka sa pantasyadatkom. gagu.
No comments:
Post a Comment