nakakatawa.. =))
nakakatawa pala talaga yung tipong naalala mo lahat ng katangahang nagawa mo na sa ngalan lang ng pagmamahal. very funny :))
ligawan
eto ipupusta ko na tong braces ko pero ilang kalalakihan na lang ang gumagawa ng paraang panliligaw sa kanilang babaeng iniirog. tugudugs. :D. sa panahon ng makabagong teknolohiya, sino pa kayang nilalang ang mag-aaksaya ng panahon para lang humanap ng rosas kay inday, kung pepwede naman nang idaan sa emoticon ang lahat. may kalahi pa kaya ni adan ang mag-aabalang magpuyat sa gabi kakagawa ng liham pagibig kung sa isang click lang ay dyaaaraan. marami ka ng pagpipilian. si google na ang bahala sayo. sino pa kayang undoy ang manghaharana pa para lang mapansin ni inday? kung sa fb lang eh magpost sya ng video, itatag nya lang si inday solb na. yung mismong idol pa ni inday ang kumanta :D
eh ako? ako ang nanliligaw :D.
naranasan ko nang gumawa ng love letter araw araw. naranasan ko na rin ang mangharana sa cellphone. naranasan ko na ring magsundot hatid. naranasan ko na rin magpalipad ng eroplanong papel, magpahiram ng assignment, igawa ng project si crush.. baket?
dahil macho ako. ayokong nililigawan. :D
tayo na stage.
dito na umeenter lahaaaaat ng kakornihan sa mundo... lahat ng kaekekan na nasa kukute ng dalawang taong nagiibigan, nabubulgar... lahaaaaaaat ng mga pangako, ipinapangako. lahaaaaat ng salitang kanaisnais para sa minamahal sinasabi..
ako? oo. nagawa ko na rin yan. isang buong blog ko sa friendster iniaalay ko sa isang tao.
natatawa na lang ako ngayon. :))
coldness.
syempre. ang buhay ay weather weather lang sabi nga ni kuya kim. hindi naman sa lahat ng panahon ay sweet sweetan kayo ni jewa.. sasapit at sasapit kayo sa puntong magbabatuhan kayo ng soda can. magkakapukpukan ng martilyo at magkakahiwaan ng kutsilyo at ang lahat ng sinabi ko ay pawang joke lamang. pero pwede mo ring itry sa kalaguyo mo kapag nabagot ka na sa pagmumuka nya. peace.
ako? oo. andyan na ilang beses kong pakikipag break. tas mamaya ay kami na ulet. cool off daw muna, nang magkatime ang isa't-isa pero hindi pa natatapos ang trenta minutos, may nakakailang misscall na. hahahahaha.. =))
break up.
pinakapanget na end up ng isang relationship yung sawa na kayo kakatitig sa kalyo ng bawat isa. sawa ka na sa yellow nyang ngipin. nauumay ka na kapag kasabay mo syang kumain. nakokornihan ka na sa jokes nya na dati kahit hindi nakakatawa bentang benta sayo. nababaduyan ka nang tawagin siyang honeymylovesoweet. in short. ayaw mo na sa presensya nya. naaalibadbaran ka na sa pagmumuka nya likeeeeee yeeeeah.
dito pumapasok ang mga kung anu-anong linyang pedeng makapanakit sa dati mong iniirog na ngayon ay kulang na lang isumpa mo.
ako? hahahahaha. nocomment.
taena. wala na naman akong maikwentong may katuturan hahahaha.. sukat ba namang naghintay ako ng apat na oras mahigit para lang makausap si irog, tapos yun pala mauuwi lang sa WALA. hala. namuti na mata ko kakaFB, kakaDL.
anyways, eh sino pa nga bang hindi nagpakatanga sa pegebeg. shit yan :))
No comments:
Post a Comment