31.3.10

bruno :(

alam mo? mas namimiss kita ngayon kesa nung mga panahong tinatanong mo ko ng pilit kung namimiss ba kita. alam mo? mas naaalala kita ngayon kesa nung mga panahong gusto mong alalahanin kita. sinasagot-sagot lang kita ng OO noong mga panahong iyon. pero alam mo kung anong totoo noong mga panahong iyon? wala akong pakialam sayo.

alam mo? mas gusto kitang makausap ngayon kesa nung mga panahong ilang ulit mo kong tinatawagan sa isang oras. alam mo? mas gusto kitang makita ngayon kesa nung mga panahong pinipilit mo kong magkita tayo. dahil alam mo? hindi ko plinanong makita ka, ni makasama ka ng isang segundo. dahil wala akong pakialam sayo nung mga panahong iyon.

alam mo? mas pinanabikan kong marinig kang magkwento ngayon kesa nung mga panahong tayo pa. dahil nakakaumay kang kausap noon.

alam mo?

mas gusto kita ngayon..
mas mahal kita ngayon..

mas nararamdaman kong kelangan kita ngayon kesa noon, alam mo ba ha?

sana alam mo. sana malaman mo.

No comments:

Post a Comment