20.12.09

no not anymore

napagisip-isip ko lang.

hindi nga pala talaga tayo. babagay. sa simpleng kadahilanan.

ETO KA NA. ganito pa lang ako..

napakalayo ng agwat natin sa lahat ng bagay. sa edad. sa pisikal na anyo. maging sa katayuan sa buhay. siguro sapat lang na isipin kong magpasalamat na minsan may naligaw na ikaw sa magulo kong buhay.

mali rin ata ang naisip kong plano. tamang tama. maling mali ang baguhin ang sarili ko para lang pumantay sayo. hindi ko kaya.

mas gugustuhin ko pang mamatay nang ganto ako. may batang puso. mababaw ang kaligayahan. malawak ang pananaw kesa ang maging gaya mo na hindi alam kong papano pasayahin ang sarili. mahirap yun. mas mahirap sa geometry.

hindi ko pinanghihiniyangan ang gaya mo. bagkus gaya ng nasabi ko nung una. nagpapasalamat ako.

na minsan me nagturo saken kung pano pulutin ang basag na pinggan sa sahig, itapon sa basurahan ang mga dapat ng itapon at ngumiti sa buhay.

maraming salamat.

xoxo.

No comments:

Post a Comment