5.12.09

kbye.

higit pa sa pagkadismaya yung naramdaman ko kahapon ng hapon. narinig ko. oo, yung boses na pinananabikan kong marinig pero yung mga salitang binitawan nya? ohsobulkrap.

walang kasing tense. nanginginig pa yung boses ko, at kulang na lang eh, malaglag ako sa kanal na kinatatayuan ko. uhm.. well.. gusto kong ilaglag yung sarili ko dun sa kanal nang sa gayon eh, matauhan ako sa mga pinaggagawa ko. *napakastupidmob*tch*

alam ko na. at marahil tama ang nakikita ng mala-witch kong vibes. bibinggo na nga ako. isa lang naman ang kahahantungan ng lahat ng 'to.

at alam kong alam mo rin kung ano iyon. wag ka nang magpaliwanag k. di rin rerehistro sa utak kong makati, yang mga eksplenasyon mong NOT VALID kung sa ID pa.

tama ka na. tamang-tama. sobrang amats.

end of the slideshow. next please.

No comments:

Post a Comment