2.6.10

june:)

fresh way to start the month. ang ganda ng pawelcome saken kanina ng langit.


double delight. asteeeg. :)

and ohh. welcome JUNE ! :D

24.5.10

high5!! oye!!

lumipas ang isang araw ko nang may kabuluhan. salamat naman Papa God, ginawa mong madali saken ang lahat.

unang araw ko ngayon bilang isang manggagawang pinoy. hindi na ko yung gaya ng dati na manghihingi ng baon kay nanay at buong araw ko ring iwawaldas ang lahat ng nakulimbat kong salapi mula sa kanyang pinaghirapan pang hanaping kwarta. ngayon ako na ang kelangang kumayod para samin ng dalawa kong kapatid. okay naman. at least sa trabaho di ako pagpapawisan, at whole day pa rin akong fresh. :)

hindi rin pala madali. bata pa lang ako. inambisyon ko na tong trabaho ko sa kasalukuyan, bukod kasi sa maganda sila sa paningin ko, masarap din kasi sa pakiramdam siguro yung alam mong ang lahat ng mata ay nakatingin sayo, at ikaw ang bukod tanging hinihintay ng lahat. ikaw ang siga pero nakaupo ka lang, nagiinarte, at nagmamagandang siga. tinitingnan ka na, pinipilahan pa.

hindi madali ang magkahera. bukod sa pananakit ng likod marahil, mananakit rin ang mga mata mo kakatitig sa monitor na walang ibang kulay kundi itim at asul. itim ang background. asul ang text. nakakaduling. hindi madali ang magbilang ng sandamakmak na salapi na masarap iuwi sa bahay. bwahahaha. kaso hindi mo pwedeng galawin dahil sinasahuran ka lang para bilangin iyon, itago at ipamigay sa mga depositor.

oo. napakarami kong angal. kakaumpisa ko pa lang eh. pero mas gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong nakasalamuha ko kanina. kina boss jim, kina te may, kina mommy g. at sa marami pang iba na nagwelcome saken ng may ngiti sa labi...

marahil hindi ko na gugustuhin ang magpakayaya sa ospital. mamahalin ko na ata itong upuan ko sa bangko. at ang lipstick kong pink na ang panibago kong sandata. hahahaha..

salamat PapaGod. :D

23.5.10

im inlove.

with siopao.

hayy..hehehe.. i am so happy :)

21.5.10

flores de mayo :)

nakakamiss yung mga panahong, titigil ka sa paglalaro dahil sa narinig mong kumakalembang na yung kampanilya at inaaya ka na ng mga kalaro mong magpunta sa simbahan.. :)


me dala dala kang maliit na basket na pinuno mo nang ninakaw na bulaklak galing sa kapitbahay nyo, tas ititira mo yung mga santan kasi gagawin mong snack pagkatapos ng lecture lecturan...


dito ko unang natutunan kung pano kumanta ng patula..


abeeehhh abehhh abehhh marayahhhh... :D

sana pwede akong makisali sa edad kong to :D..hahahahaha

ansaya :D

hindi mo man ako nakikita pero nais kong malaman mo na NAPAPASAYA MO KO NG UBER UBER. nanumbalik ang dati kong sigla.

maraming salamat.sana bukas. at sa marami pang bukas...ganyan ka pa rin.


mahal kita.

eto pa lang ako. GANITO NA KAYO.

ganto mo ko nakilala.

immature.negative.pessimistic.isip bata.childish.abnoy.praning. ako man di ko maintindihan kung bat ako ganyan. pinalaki naman sana ako ng tama ng nanay ko. marahil dala ng lahat ng negative na nanyari sa buhay ko kaya sorry kung pangit akong magisip at magsalita. pangit ang pananaw ko sa mundo lalo na sa buhay ko.

oo maganda na ko kung sa maganda.

pero iba ako magisip eh. mas una kkong naiisip un mga negatibo mas una kong nakikita yung mga di kanais nais. mas napupuna ko ang mga sablay.

sorry at ganito ako. eto ako eh :(

pero kelangan ko ikaw :(

17.5.10

jamie, bird and worm and the diamond ring

remember the movie "a walk to remember" ? when actress mandy moore portrayed the role of JAMIE, a sick girl with leukemia who's motto was "TO WITNESS A MIRACLE..." yes, what happen yesterday was indeed a miracle..

galing ng intro ko. superb! hahaha.
well, not everyday we witness something unusual right? it's not everyday that we meet some ordinary people that might move us in extraordinary way. it's not everyday that we meet people who could leave a big mark to our lives.

something you didn't knew of
today i didn't witness that "lunar eclipse". i just saw the different pictures posted in the social networking site where i am in. i could not believe that such phenomenon could happen. sobrang peculiar na you yourself would be fascinated and amazed by what you see eh sa picture nga lang yun. what more if you happen to see it with your naked eyes. diba? exhilarating!


someone, you just didn't think of

a person whom you just met a while ago, but the impact he made to your life was so great that you yourself could not explain why... and heck.. you think your into him already.. :')


i'll be hopeful that someday, someone will give this diamond ring to me in God's time.


Align Center
the moon and venus
05.16.2010

ill catch you in my next lifetime.


i'm your bird.. your my worm.. and its plain to see..WE WERE MEANT TO BE..

16.5.10

smiley moon

fuuu!

malas malas ko talaga. yung inencircle ng rainbow yung sun, di ko nakita. tapos ngayong naging smiley si Mr.MOON umuulan naman dito :(


when will i see such miracles! fuuuu! >.<

unfair Lord,

ill catch this, on my next lifetime...


rain rain go away.. i wanna see Mr.Moon smilin at me

15.5.10

isang balde ng tubig

napagtanto ko, anumang bagay o gawain na ginagamitan ng taimtim na pananalig at tiwala sa sarili ay madaling matatapos o makakamit hanggat ikaw ay bumibilib sa sarili mong kakayahan.

hindi madali ang pinagdadaanan natin sa buhay, hindi mo , matanto kung ano pang unos ang kakaharapin at kung ilan pang pagsubok ang iyong pagdadaanan gaya ng hindi mo alam kung ilang gallon ng tubig ang isang timba na kelangan mong buhatin dahil nawala ang tubig at wala ka ng choice dahil sa nejejebs ka na.

kung minsan pa, sinusubukan ka ng panahon. akala mo meron pa, yun pala wala na. akala mo hinihintay ka, yun pala iniwanan ka na. at akala mo meron ka pang ibubuga yun pala pati katawan mo hindi na kaya.

weirdo. kaya minsan mas maiging masanay ka sa kung anong meron. masanay ka sa SAKTO LANG. masanay ka sa mga bagaybagay na hindi mo ginagawa dati subalit kelangan mong matutunang gawin ngayon. kasi hindi naman sa lahat ng panahon ay lagi kang nandyan sa kinatatayuan mo.

at ayz, one more thing. sanayin mo na ang sarili mong punuin yung puting balde ng tubig tsaka mo buhatin, hindi naman sa pinarurusahan mo ang sarili mo, para naman minsan maisip mong may silbi ka rin dahil sa may nagawa ka. ryt? ryt!

saka. buti na yung pinagpapawisan ka at masaya ka sa nagawa mo.

kudos bruha! :)

14.5.10

friendster.

sayang yung blog ko sa friendster. hindi ko pala naisalba ang iba kong post dun.
namimiss ko ang magfriendster at ang blog ko dun :)

at ang taong lagi kong inaabangan doon.

oo.kilala mo kung sino ka pandaman ;)