lumipas ang isang araw ko nang may kabuluhan. salamat naman Papa God, ginawa mong madali saken ang lahat.
unang araw ko ngayon bilang isang manggagawang pinoy. hindi na ko yung gaya ng dati na manghihingi ng baon kay nanay at buong araw ko ring iwawaldas ang lahat ng nakulimbat kong salapi mula sa kanyang pinaghirapan pang hanaping kwarta. ngayon ako na ang kelangang kumayod para samin ng dalawa kong kapatid. okay naman. at least sa trabaho di ako pagpapawisan, at whole day pa rin akong fresh. :)
hindi rin pala madali. bata pa lang ako. inambisyon ko na tong trabaho ko sa kasalukuyan, bukod kasi sa maganda sila sa paningin ko, masarap din kasi sa pakiramdam siguro yung alam mong ang lahat ng mata ay nakatingin sayo, at ikaw ang bukod tanging hinihintay ng lahat. ikaw ang siga pero nakaupo ka lang, nagiinarte, at nagmamagandang siga. tinitingnan ka na, pinipilahan pa.
hindi madali ang magkahera. bukod sa pananakit ng likod marahil, mananakit rin ang mga mata mo kakatitig sa monitor na walang ibang kulay kundi itim at asul. itim ang background. asul ang text. nakakaduling. hindi madali ang magbilang ng sandamakmak na salapi na masarap iuwi sa bahay. bwahahaha. kaso hindi mo pwedeng galawin dahil sinasahuran ka lang para bilangin iyon, itago at ipamigay sa mga depositor.
oo. napakarami kong angal. kakaumpisa ko pa lang eh. pero mas gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong nakasalamuha ko kanina. kina boss jim, kina te may, kina mommy g. at sa marami pang iba na nagwelcome saken ng may ngiti sa labi...
marahil hindi ko na gugustuhin ang magpakayaya sa ospital. mamahalin ko na ata itong upuan ko sa bangko. at ang lipstick kong pink na ang panibago kong sandata. hahahaha..
salamat PapaGod. :D
No comments:
Post a Comment