24.7.10

thy will be done.

namamanhid na ako. at masaya 'to.

tinuturuan mo ba ko God, kung pano maging manhid? namatay si mama, nawalan kami ng bahay in an instant, tapos ito nasa pangangalaga kami ngayon ng lasenggo kong uncle, pero okey naman, as long as wag lang talaga siyang magkakamaling saktan kami ng pisikal mananatili yung respeto ko sa kanya.

ito na PapaGod aamin na ko. naiinis ako sayo. mali itong nararamdaman ko pero hayaan mo na, hanggang inis lang naman ako. ako naman yung tipo na madaling makalimot, hindi ko naman inugali yung magtanim ng sama ng loob sa kahit na sino-lalo na sayo. malamang. love kita.

PapaGod bakit ganoon? una si Mama, sumunod yung bahay, dibale na si Papa, ang ikinaaano ko lang eh yung mawala ng ganon kaaga si Mama, akala ko kasi yung sakit nya hahayaan pa siyang mabuhay ng kahit dalawampung taon man lang. o kahit dalawang taon na lang sana, huling tawad eh kaso hindi eh, dalawang buwan lang ang ibinigay mong palugit sa kanya. unfair.

PapaGod nung malaman ko na me leukemia si Mama, iyak lang ang narinig mo saken... hanggang sa matanggap ko sa sarili ko na ganon talaga. ganoon ang buhay, na masusunod ang lahat ng ipagkaloob mo samin. pero naman. ngayon bakit kinakailangan pang maranasan ko tong ganitong klaseng paghihirap. mabait naman sana ako ah. :(

ito lang iniisip ko sa ngayon. tinuturuan mo ko na maging manhid. at iniisip ko na lang din na kaya ko to pinagdadaanan kasi alam mo naman na kakayanin ko lahat ng 'to.

i love you PapaGod. sige lang, gawin mo pa kong punching bag ng mundo. welcome ang lahat ng tao na saktan ako.

after all alam ko naman po, na kung sino yung mas inaapi, siyang pinagpapala.

No comments:

Post a Comment