15.5.09
today is FRIDAY
and it was fucccccking year ago...
what's Friday all about?
well, nothing really. hmm (thinking again...) well, i will be honest this time.
it started 2 years ago...
i used to see Friday as the most special day of the week. it wasn't me who initiated it, but it was SOMEONE. (smiles) . i just wanted to rant about what happen yesterday...
pero utang na loob i will tell the story in vernacular na. bwahaha.. naghuhuramentado na ang kaugatan ko sa batok, tingin ko umaakyat na ang dugo sa noo ko pababa sa ilong at free siyang dumaloy anytime nya gustohin. so much for this OHSONONSENSE intro.
intro.
lagi na lang talaga akong nahihirapang mag-umpisa.pano nga ba ang tamang umpisa? pano nga ba gagawa ng talatang nakakaakit sa mata ng mga mambabasa kong ipis at surots uberdeyr, wereber dey arr rayt nao?
tooooo muuuuch pasakalye.
like what i've said earlier. asan na nga ba tayo?
naramdaman ko lang i made someone upset kahapon, and GAAADDSEEEYK! i really do not mean it. sorry naman sa kanya. it's just that i have persons need to talk to before talking to him.
siya: hello
ako: hi
siya: akala ko snob mo ko.
ako: waa. snob. (ang tanga ko talagang rumespond. kahit kelan. ang tanga ko.)
siya: kamusta?
ako: okey lang :D
....
....
....
ako: level mo na?
siya: ganon pa rin
siya: di na ako nakapagpalevel ng matino
siya:blahblahblah
siya:blahblahblah
siya:blahblahblah
siya:blahblahblah.
while he was this busy making kwento, i was this busy chatting with someone din. hehe. at ang ganda ganda ko. okei. feeling ko lang naman. ehbaketba??!
then he mentioned na nawawala yung connection nila something...
ako: smart bro?
siya: globe
ako: aah.
ended.
i never have the chance man lang na magbabaay sa kanya. and nagsisisi ako. for no reasons at all. dunno. baka kasi isipin niya na galit pa rin ako sa kanya or i was still this so bitter girl, running over him which is NOOOOT. until now hindi ko lang talaga matanggap sa sarili ko na wala akong lakas ng loob makipag-usap sa kanya. but i dont have anything for him. hindi gaya ng dati.
naalala ko pa dati kung pano ako magtititili makita ko lang na online siya. parang ang engot ko lang nung mga panahong yun. tapos natatameme na ako pag niPPM nya ako. kinikilig. pero it was just NOON. dahil wala na lang siya saken ngayon - bitter? not!
oo. totoo. sinisigurado ko sa sarili ko, na bago ako magmahal ng iba, wala ng nakalaang espasyo para doon sa isang nagpaalam na.
sa kanya ko natutunan ang salitang LOVE. sa kanya ko marahil unang naramdaman din. kasi MANHID ako noon. at wala akong kamuwang-muwang sa kaekekekan na yan. sa kanya ko unang naranasan ang matulog na may ngiti sa labi at ang gumising sa umaga na masaya. sa kanya ko unang binuksan ang sarili ko na magmamahal. dahil siya ang nagturo saken nun at siya pa lang ang nagpakita nun - sana hindi ako nagpifeeling. sana tama ako sa pinagsasabi ko rito..
sort of mga tatlong buwan lang naman kami - oo kami. sabi ng sarili ko.. away-bati. bati-away. tampo. pero kinareer ko ang bawat minutong inilaan ko para sa kanya. alam ko sa sarili ko na totoo ang nararamdaman kong yun para sa kanya. at alam kong, alam niya iyon. dahil sa tingin ko naiparamdam ko sa kanya.
totoo. orig. genuine. unconditional. sa kanya ko nakita na walang mata ang pagibig. walang sinisino. tinanggap ko siya ng kung ano siya. hindi ko siya pinilit minsan na magbago para saken. tinanggap niya ako, kung sino ako at kung ano ako. wala akong narinig na masamang salita mula sa kanya. wala akong galit sa kanya. walang pagkamuhi. puro pagmamahal lang. at oo napakabaduy ko, dati niya nang alam yun.
balewala.
hindi ko rin naman siya masisisi. dahil ayoko siyang sisihin. siya ang nagtanim ng kung anumang meron ako sa puso ko, para sa kanya. pero siya na rin ang kusang pumatay ng kung anumang meron ako sa puso ko, para sa kanya. hindi ko rin naman siya masisisi. dahil ayoko siyang sisihin. at oo. paulit-ulit lang ako. dahil ganito naman talaga ang buhay. cycle.
alam ko naman nung una pa lang. nasa pinakaunang phase pa lang alam ko ng imposible. sapak sa buwan ang lahat. hanggang tanaw lang ako sa kanya. pero sa walang anu-ano iniabot niya ang kamay niya para sagipin ako. kinuha ko ang kamay niya, nagbabakasakaling mapaghuhugutan ko ito ng lakas, subalit kinuha niya lang pala ito para bitawan. natagpuan ko na lang na akap-akap ko ang sarili ko. wala na pala ang taong inaasahan kong yumakap saken.
ang tanga ko lang nung mga panahong yun.
itinapon ka. nagkabasag basag, nagkadurog-durog. pinulot kita. sinubukan kong kompunihin ka, dahil tanga ako, binalewala ko ang warning saken ng utak ko na baka masugatan lang ako. binggo. tama ang kokote ko. nasugatan nga ako. nasugatan sa pagbabakasakaling muli kang mabuo. hindi pala ako ang makakabuo sa iyo. dahil yung nagtapon sayo, siya rin pala ang kokompleto sayo. tama ako ano? tama nga.
sorry. dahil ang lakas ng loob ko. ang kapal ng mukha ko. ang lapad ng noo kong magfeeling superhero na sasagip sayo. ako pa pala ang kontrabida.
time will heal all wounds. gasgas na linya. pero saktong-sakto sa kadramahan ko ngayon. naaalala mo pa ang 100days? ang shooting star? ang ulan? ang till next time? ang penguin? ang mcflurry? ang homeworks? ang crayons? si sipunin? si kemist at si scientist? hehe. wag mo ng alalahanin. dahil pauso ko lang ang mga yun. as if naman may pakelam ka sa mga yun ano? wala? okey :D. sabi ko nga wala.
bat ko to sinasabi? bat ko to kinukwento? bat ko to inaalala ule?
para malaman mong hindi kita nakakalimutan (pero wala ng malisya. paramis.). at para malaman mong isa ako sa mga taong unang magiging masaya kapag nakita kang masaya NA...
at teka. opo. walang pong halong bitterness ang entry na ito. parang tribute tribute chenez lang. tae, kamuka mo na ba si Rizal? hindi. mas macho ka dun.
ang madrama may tae sa pwet. >:)
para sa isang napakagandang nakaraan. hahahaha
19.5.09
phailed!
parang kumuha ka lang ng exam, alam na alam mo sa sarili mo na, bago ka tumapak sa classroom para itake yung exam na iyon is papasa ka. alam na alam mo, tama ang karamihan sa mga naisagot mo. wala kang instructions na nakalimutang sundin. alam mo sa sarili mo na 80% papasa ka na, at pagkalabas mo ng classroom na iyon pwede kang sumigaw ng PAPABURGER AKO!!SAMA KAYO?
pero alam na alam mo din sa sarili mo na nagdeday dreaming ka lang, na imahinasyon mo lang pala ang lahat. napakatanga mo lang bata ka. wala kang ginawa kundi ang umasa.
biglang pumutok ang bula ng iyong mga ilusyon. naglahong mistulang abo. naging alikabok at nilipad ng hangin. ang akala mong burger na hawak hawak mo na at isusubo ay naging buhangin. pooof. gone with the wind.
mabilis na nawawala ang lahat ng akala mong walang planong mawala. mabilis magpalit ng araw ang kalendaryo at mabilis mapanis ang ulam na hinayaan mong nakabukas lang ang lalagyanan. gaya ng pagmamahal sa mga panahong ito. napakabilis kumupas. mawala. mapanis. sadyang sayang ang lahat ng pinagsamahang panahon. pero wala kang magagawa. eh ganon eh. ganon lang talaga.
wag kang humihikbi. kasalanan mo yan sa sarili mo. wag mong sisisihin kelanman sila o siya o kung sino mang nilalang ang nakapanakit sayo. ikaw ang mismong gumawa ng gusot na yan. ikaw ang gumawa ng patibong para sa sarili mo. kinakailangan mo yang lusutan at lagpasan. it's either magpakatalo ka, o magmatigas na parang sundalong hapon - kamikazee!
ikaw ang gumamay ng istoryang binuo mo sa isipan mo. ikaw ang naghabi ng lahat ng pangyayaring nagaganap sayo ngayon. at ikaw din mismo ang dapat na tumapos nyan. at kung kelan ang panahong yun? dapat ngayon na.
oras na. tamang oras para tapusin ang lahat. burahin ang lahat ng nagawa mong mali. magbago. tumayo sa pagkakalugmok. anlaki na ng nagawa mong sakuna. tama na. pagpahingahin mo naman ang sarili mo, utang na loob.
kelan ka ba kasi magtitino? kelan ka matututo? nakaisa ka na. wag mong sabihing papangalawa ka pa?
dyos ko ka!
krung krung
03.05.09
hey ! you ! yes ! you !ewan ko ba kung saan saan ko napulot yang mga ideyang nandyan. hahahahaha. bahala na kayo. babayu.
nakukrung krung ka na naman?
hoy. ano ka ba naman? anong nakain mo? aah! alam ko na. mabigat na problema ano? tsk. sabi na.
alam mo, kung dinidibdib mo lahat ng nangyayari sa buhay mo, sakit sa bangs at sa batok lang ang mapapala mo. oops. marami pa pala. pwede ring cancer. konsumisyon. at marami ka pang choices na pwedeng pagpilian.
hindi mo ba alam? o talagang hindi mo inaalam. pwes, dapat mong malaman. ang lahat ng bagay lumilipas. kumukupas. naluluma. nagiiba. nagbabago. umaalis. lumilisan. pumapanaw. pero ang mga ito, laging may hatid na aral. kesyo maganda ang naidulot sayo, o tinubuan ka ba ng kulani sa singit dulot nito.
they come. and they will just go.
ganun. wag mong kinakarir ang lahat. sarili mo lang din ang kinakawawa mo. at pwede ba, wag mong pinagtutuunan ng pansin ang mga bagay-bagay na naganap na. useless. lumipas na yun. bumangon ka. dumilat at maghilamos ng mukha. magtanggal ng muta dahil masarap ang almusal.
hindi mo pepwedeng itali ang buhay mo sa kahapon. sus ginoo! pano ka makakalimot kung ikaw na mismo ang ayaw makalimot. ikaw at ikaw lang din ang bukod tanging taong tutulong sa sarili mo. wala ng iba.
huwag ka ngang umarteng desperado/da. huwag mong hahayaang maging ganyan ka na lang habang buhay. responsibilidad mo ang buhay mo. hindi mo ito pepwedeng iasa sa jowa mo. sa nanay mo. o sa kahit na sinong wolverine.
tandaan mo. laging nakasalalay sa mga palad mo ang mangyayari sayo sa kinabukasan. kung inuulan ka man ngayon ng problema. at walang nag-aalok ng payong sayo. hayaan mo. mapapagod din ang ulan. kusa itong titigil. tiis tiis lang. weder weder lang yan.
maging positibo ang pananaw mo sa buhay. makontento ka sa kung anong meron ka. matuto kang magpasalamat. buti ka pa nga meron kahit papano, e yung iba? diba. kinakapos pa.
lastly. tanda mo pa ba ang motto sa star scout? LAGING HANDA. mismo! ganun.
No comments:
Post a Comment