20.6.10

TSHIrT


nakakatawa.

bakit may mga bagay na sadyang hindi mo kayang pakawalan paminsan. kahit na sabihin nating wala na naman itong pakinabang sayo. bakit kinakailangan mo itong itago pa, kung pwede pa naman itong pakinabangan ng iba. at bakit andami kong tanong na tila ba'y may pinupunto ako? ah.ewan.

nakakapanlumo.

sinubukan mong ibahagi sa iba ang bagay na naging napakahalaga sayo, isang magandang halimbawa ang paborito mong tshirt. ayaw mo na itong isuot. ayaw mo din naman masira lang ito sa tokador at ngatngatin ng mga kaibigan mong bubwit. may isa kang kakilala na alam mong may matinding pagnanais na masuot nya ang tshirt mong yun, ibinigay mo ito sa kanya sa pagaakalang papahalagahan nya, iyon pala makikita mo lang itong ipinapambahay nya, at masaklap pa, kapag nagkandabutas-butas na, nasa sulok na ito at basahang pampaa. ang saklap charo.


ikompara mo ang tshirt na yan, sa tao.

gets mo?

sana.

kung sino pa iyong pinakagusto mo para sa sarili mo, siya pang kelangan mong ipamigay, baket? kelangan. dahil? kelangan. para? sumaya siya sa iba. pero kung sino pang pinili nya, yun lang din pala ang sisira sa kanya.

werdo.

No comments:

Post a Comment