hindi pala sapat ang ngiti para ikubli kung ano talaga ang nararamdaman mo sa kaibuturan ng iyong puso. hindi pala sapat ang pagpapanggap mo na masaya ka, kung hindi naman talaga iyon ang nadarama mo. magiging scripted lang ang lahat kapag ka pinipilit mo ang sarili mong matuwa kahit na ang totoo ay hindi ka naman natutuwa.
nakakapagod. nakakahingal. nakakapagpabagabag.
bakit kinakailangan mong itago ang tunay na nararamdaman mo? bakit mo kinakailangang ngitian silang lahat kung hindi o ni isa sa kanila wala naman talagang pakialam sayo at sa nangyayari sa buhay mo. sino sila para pasayahin mo?
magpahinga ka minsan. ipakita mo ang tunay mong saloobin. wag ka na munang ngumiti. itabi mo ang mga ngiting yan, saka mo na ipagmalaki yang ngiti mong yan kapag nararamdaman mo na sa loob mo na gusto mo ng ngumiti ng mula sa puso at hindi dahil sa nagmamayabang ka lang kasi maputi ang ngipin mo kesa sa kanya. sus.
hindi sa lahat ng oras, payaso ka nila. minsan nangangailangan din ng kapwa payaso ang isang payasong gaya mo. payaso na makakapagbalik ng ngiti sa labi mo, at makakapagpanatag ng iyong kalooban.
mahalin mo ang sarili mo higit sa lahat. paalam.
No comments:
Post a Comment