29.6.10

ang gusto ko lamang sa buhay ay.......

kagabi pa po itong entry na 'to nagawa. ehkaso nakakatamad magonline. basta. nakakapagod magkwento.

matulog... matulooooog...matulog ng walang inaalala......

kelangan paulanan ng maraming tuldok para tumalab............

yung matulog ng walang magugulong proble...at nawala ako sasabihin ko. anlakas makapang-agaw ng ideya nitong kanta ni Jugs. pucha.....BRB.... maganda naman kasi yung himig saka mensahe, eh kaso Tagalog, imbes na tumipa ng salita eh nalilito yun utak ko, kung titipa ba ko o makikinig na lang muna, oh well mabalik tayo.. kung anu-ano na naman ang isinisingit kong anetchi...

namimiss kong matulog. iyong bang tipong pagkahiga mo, plakdang plakda ka na para kang galing sa palayan at nag-araro ng isang buong araw ng limampong hektaryang palayan. tae ka. hindi sa farmville ha. o di kaya ay yaong para ka lang nanghalay ng pitomputpitongputingputa. pwahahaha..

ngayon ni pagpikit halos ipilit ko pa sa sarili ko. oo. malala na nga ang narating nitong insomnia ko. ni halos hindi na ako dinadalaw ni antok. at utang na loob ko pa sa driver ng bus ang mahimbing kong power nap, kase dun lang nya ako dinadalaw, may sa pagkademanding din itong si ANTOK. gaya ngayon, alas dyes pa lang naman, oo, maaga pa, pero sa gaya kong may tungkulin sa araw araw, at kinakailangang magising ng mata ko nang alas syete, dapat mga gantong oras eh, inihihele ko na ang sarili ko para makatulog pero alam mo kung anong nanyayari saken pagkalapag ko sa kama? daig ko pa ang nasa tsubibo. dadapa, titihaya, left side, right side, sa paanan ang ulo, sa uluhan ang paa, ihahang ang pader sa paa, este ang paa sa pader, papaling paling, na tila ba ay nakikipagbato batopik sakin ang utak ko. pagka dilat yung mata ko, at nanonood ng telebisyon,umaanghang at naaakit na kong mahiga sa kama, pero kapag naandon na ko sa kama, biglang nawawala ang antok at napapalitan ng kung anu-anong alalahanin. gaya kanina, nariyan na ko at nakasideview, akap si unan na nakaoutfit ng duster ni mama, pinikit ko na ang mata ko, tapos habbit ko na kasi na iislide yun paa ko sa anumang tela na madulas, malamig, at malambot..ehehe..ewan ko ba, masarap sa feeling eh, nakakaantok, basta yun yung ginagawa ko lage para madalaw ng antok, eh inabot na ko ng kinse minutos, di pa din ako mapakali. sinubukan ko ulit pilitin ang sarili kong matulog na, ginamitan ko na ng pinakamalupit kong technique, ang magbilang ng tupa sa kawalan. tssk. fail. ayaw talaga ako sundin ng mga neurons ko sa katawan. imbes, sa mamahinga eh ito, inutusan pa nila akong magbukas ng kompyuter at magdaldal dito. napakasama nila. wulanyasila.

naalala ko tuloy, dati naman kasi wala akong problema sa pagtulog. kapag ipinasya kong matulog, nakakatulog naman kagad ako, nang walang anu-anong iniisip. dati masa ako eh. masa; masandal tulog. lalo na nung mga panahong nag-aaral pa ko, at mas lalo kapag galing ako sa duty ko sa -club- hospital, pagkauwi ko sa bahay, diretso agad ako sa kwarto ko, pagka nasa pintuan na ko ng kwarto ko at naaamoy ko na ang halimuyak ng cologne ko galing doon sa kwarto ko, pota, para na kong hinihele, parang narating ko na din ang langit. oo, parang nasa langit na ko, nagigising na lang akong nakamedyas pa rin at nakauniporme, kinaumagahan. diretso na sa paaralan. loljke.

ewan ko ba kase bat ako nagkaganito ngayon. wala naman sana akong inaping matanda sa daan para ipakulam ako at bigyan ng leksyong gaya nito, lahat naman ng nakakasalubong ko eh nginingitian ko, o baka naman kaya eh nausog ako? weh? haha. ano ko new born? napapangiti ako sa pinagdadakdak ko dito walang kakwentakwenta. pero sa totoo lang mas maigi na yung paksa ko, kesa puro nobyo na lang..nakakatigang ng utak. taeng pagibig iyan.. namamaos na si Hayley kakakanta gabigabi saken para lang antukin ako.

sana maibalik ko na yung dating relasyon namin nitong si SLEEP. dati sweet siya saken eh, simula nung naloko ulit ako dito sa intarnet, parang nagtampo siya saken, nagselos kumbaga.

hosya. pipilitin ko na naman ang sarili kong gawin ang bagay na ayaw nito. bakit? dahil kelangan. hindi nya dapat ako nakokontrol. ako dapat ang komokontrol sa kanya.

magkaaway na naman kami ng sarili ko sa panahong ito. ang imposible lang. kinakausap nya ko eh. pooooota. nasisiraan na ba ako ng bait? yes?

kbyemwamwamwaaaah.

No comments:

Post a Comment