limang oras at apatnapung minuto na lang at magpapalit na naman ng taon. tuluyan na nating lilisanin ang 2009. at kung anuman ang dala ng taong papalit eh walang nakakaalam maliban na lang sa mga naglilipanang hula-hula at spekulasyon.
sos. maniwala ka sa mga yan.
2009.
naging napakasama mong taon saken. at sa buo kong pamilya. sa pagkakatanda ko, naumpisahan naman kita ng tama at buong pag-asa kitang sinalubong noon. subalit ito, nagdurusa ako sa pagtatapos mo. alam mo na kung baket.
hindi namin inasahan ang pagkawala ni mama. ni sa hinagap hindi namin lubos maisip. at ni di pa rin ako makapaniwala na wala na nga siya.
binawian rin ng buhay sa taong ito ang mga taong maimpluwensiya sa kani-kanilang fields. pano ba isasalin sa tagalog yun? nevermind. kasamang nagbabu ni mama sina tita cory. francis m. si johny delgado. si gigi. si yaya luring at syempre si michael j. nakakalungkot isipin.
maswerte pa rin ako kahit papano. marami ring buhay ang nakalas nung kasagsagan ng bagyong Ondoy. nasa ospital kami ni mama nun. kasalukuyan siyang nagtitimpla ng gatas ng itanong nya saken kung umuulan pa ba sa labas. at ito ang naisagot ko sa kanya "bumabagyo po ata ma eh." ata" susme. bagyongbagyo nga pala talaga.
higit pa sa mga nasalanta, kami. sila nawalan ng bahay. kami, nawalan ng nanay. gayunpaman, hindi iyon dahilan para kamuhian ko ang buhay at ang mundo. eh ganon talaga eh. may nauuna at may nahuhuli.
masarap pa sanang magbalik tanaw eh ang kaso kesa sa matuwa, mas nararamdaman ko ang lungkot at dusa.
siguro tama na munang itigil ko na to, bago pa ko maiyak.
ps.
pasko at bagong taon. wala pa rin akong lovelife. gaya ng dati :X
BAKA SA SUSUNOD NA TAON MERON NA!! YEHEEEEEEEEEY!
No comments:
Post a Comment