16.5.10

smiley moon

fuuu!

malas malas ko talaga. yung inencircle ng rainbow yung sun, di ko nakita. tapos ngayong naging smiley si Mr.MOON umuulan naman dito :(


when will i see such miracles! fuuuu! >.<

unfair Lord,

ill catch this, on my next lifetime...


rain rain go away.. i wanna see Mr.Moon smilin at me

15.5.10

isang balde ng tubig

napagtanto ko, anumang bagay o gawain na ginagamitan ng taimtim na pananalig at tiwala sa sarili ay madaling matatapos o makakamit hanggat ikaw ay bumibilib sa sarili mong kakayahan.

hindi madali ang pinagdadaanan natin sa buhay, hindi mo , matanto kung ano pang unos ang kakaharapin at kung ilan pang pagsubok ang iyong pagdadaanan gaya ng hindi mo alam kung ilang gallon ng tubig ang isang timba na kelangan mong buhatin dahil nawala ang tubig at wala ka ng choice dahil sa nejejebs ka na.

kung minsan pa, sinusubukan ka ng panahon. akala mo meron pa, yun pala wala na. akala mo hinihintay ka, yun pala iniwanan ka na. at akala mo meron ka pang ibubuga yun pala pati katawan mo hindi na kaya.

weirdo. kaya minsan mas maiging masanay ka sa kung anong meron. masanay ka sa SAKTO LANG. masanay ka sa mga bagaybagay na hindi mo ginagawa dati subalit kelangan mong matutunang gawin ngayon. kasi hindi naman sa lahat ng panahon ay lagi kang nandyan sa kinatatayuan mo.

at ayz, one more thing. sanayin mo na ang sarili mong punuin yung puting balde ng tubig tsaka mo buhatin, hindi naman sa pinarurusahan mo ang sarili mo, para naman minsan maisip mong may silbi ka rin dahil sa may nagawa ka. ryt? ryt!

saka. buti na yung pinagpapawisan ka at masaya ka sa nagawa mo.

kudos bruha! :)

14.5.10

friendster.

sayang yung blog ko sa friendster. hindi ko pala naisalba ang iba kong post dun.
namimiss ko ang magfriendster at ang blog ko dun :)

at ang taong lagi kong inaabangan doon.

oo.kilala mo kung sino ka pandaman ;)

sakto.

alam mo ang totoo, pag nagmamahalan kayo give and take naman talaga dapat eh. ibibigay mo lahat sa kanya tapos ibibigay n’ya rin lahat ng kanya para sa’yo. wala kayong ititira para sa sarili n’yo. ganun ‘yun eh, ‘yung nagsasabi na hatiin mo lang at dapat magtira ka para sa sarili mo.. malamang hindi pa nakakaranas ng totoong pagmamahal ‘yun. dahil wala naman kaseng nagmamahal na mag aaksaya pa ng panahon na lingunin ‘yung magiging sitwasyon n’ya kung sakaling mawala na sila at mag isa na lang s’ya. pag nagmamahal ka hindi ka nakukulangan pag nagbibigay ka katulad ng hindi ka nawawalan pag nagpaparaya ka at hindi ka nalulugi pag nagsasakripisyo ka. madalas kase mararamdaman mo lang na nagpakatanga ka pag tapos na.

cabron.com

pano ba magsabi ng iloveyou sa sarili nang hindi ka matatawa?

tapos na ko.

sa pag-aaral. sa pagovercome ng mga unos. sa kakalingon ka sa mga hindi magagandang pangyayari sa buhay.

nagsisimula pa lang ako.


sa pagtupad ng mga pangarap ko. sa pagpapagaling sa sugat na dulot ng mga kabiguan ko sa buhay.

pero. alam kong kahit papano. okey na ako :D

mahal ko ang buhay ko. mahal ko AKO. at higit sa lahat, mahal ko ang bawat taong nagmamahal at nakapaligid sakin.

mahal ko kayo. mahal ko na ulit ang mundo :)

13.5.10

:]

nakakainis ka lang eh no. feeling mo naman. goodluck sayo. mahalin mo yung nagmamahal sayo ngayon. kung meron. nakakaawa ka pa naman.marahil kaya ka laging iniiwan ng nagmamahal sayo kasi hindi mo sila pinahahalagahan ng gaya ng pagpapahalaga nila sayo. hayaan mo simula ngayong araw, itatatak ko sa noo ko na WALA NA AKONG PAKIALAM SAYO. AT OO SANA NOON KO PA YUN GINAWA.



yan yung mga mismong salitang gusto kong sabihin sayo kahapon. kaso ayoko na. mas minabuti ko na lang na itype yan sa chatbox ko dito kesa sabihin ko pa sayo. mag-aaksaya lang ako ng oras..




mas masarap yung ganitong pakiramdam, yung alam mong pagkatapos ng lahat ng nadama mong pagkalungkot, panahon mo na naman para sumaya. parang yung feeling lang is, nakapagpalit ka na rin sa wakas ng underwear kinaumagahan kasi nakatulugan mong di ka pa pala nakakapagpalit.

fresh na fresh. yaaaahooo! :))


tama.

e di wag kang maghintay para di ka mainip :]

me

I am incredibly awkward and negative. I get attached easily, and i hold on for too long. I don’t like opening up to people. Most 5 year old children can express their feeling better than me. I hide behind my fake smiles. I’m terrified of being hurt. I tend to act older than I am. I’m probably one of the most difficult people you will ever meet. But i can be sweet. I’m a great listener. I’ll guard your secrets with my life. I will never judge you based on your mistakes, and I’ll love you as much as i can. I can be, if you let me, one of the best things in your life.

i just read it from tumblr. :) i can relate.

12.5.10

kay ONG!!!

hindi ko inaasahan ang iyong pagdating. akalain mo nga naman.

hinahangaan kita. sa maraming kadahilanan. minsan pa'y pinawi mo ang lahat ng kalungkutang meron ako. muli mong napangiti ang babaeng hindi na alam kung papano ngumiti.

imposible ang lahat. pero dahil sa nakilala kita, parang lahat ng imposible pepwedeng maging posible. sa maikling oras na iginugol ko sayo, nais kong malaman mo na walang minuto ang naaksaya mo.

pinapatawa mo ko ng para bang wala ng bukas. pinapawi ang lahat ng luhang nalalaglag sa pisnge ko. pinahahalagahan ko ang kung anoman meron tayo.

maikli pa man ang panahong ating napagsaluhan, nais kong malaman mo na espesyal ka sakin.

lubos akong nagpapasalamat at dumating ka, at nakilala kita. lahat nga may dahilan, siguro ikaw ang dahilan kung bat kelangan kong mahalin ulit ang buhay ko.

salamat sayo ONG!!! asahan mong hanggat nandito pa ko sa mundo meron at meron kang tagahanga. eh sino pa nga ba e di AKO.

confirmed. positive,

i'm glad that i'm happy.

only love can replace the lost love.

oo. masaya na ako. okay na ako. yehey! atlast! atlast!

after kong sabihin sayo ang mga dapat mong marinig. masaya ako sa ginawa ko. napanatag ang sarili kong kalooban.

ayoko ng isipin na meron pang magaganap na paguusap pagkatapos ng huli nating pagkikita. masasayang lang yung oras ko dito sa mundo kakahintay sayo kung kelan mo paplanohing kausapin ako. malabo eh. napakalabo.

pero ayoko rin namang itali ang utak ko sa konklusyong iyon. gusto ko lang mabigyan ng pagkakataon ang sarili kong maging masaya. dahil alam ko ikakatuwa mo rin ang tuwa ko. dahil magiging masaya din ako pag nakita kitang masaya. sincere na to, hindi ko na pinaplastik.

siguro naging pabugso-bugso ang emosyon ko nitong mga nagdaang araw, kinalaban ko na pati ang sarili kong utak. naaawa ako sa sarili ko sa tuwing binabalikan ko yung mga naipost ko dito. lalong bumaba yun tingin ko sa sarili ko.

ngayon mas lubos ko ng nauunawaan ang mga bagay-bagay. napagtanto kong hindi na nga pala bago saken ang pangyayaring ito. marami na rin pala akong unos na nalagpasan. ito pa kayang problemang pansarili kong kapakanan lang?

bonus na nga lang pala lahat ng to ano? tanga ko. tanga tanga ko talaga, kahit kelan. simpleng math. ayaw ka. e di ayawan mo din. :]

hindi na daw uso yung martir eh. sabagay mas masaya naman akong nagsosolo. XD