14.5.10

pano ba magsabi ng iloveyou sa sarili nang hindi ka matatawa?

tapos na ko.

sa pag-aaral. sa pagovercome ng mga unos. sa kakalingon ka sa mga hindi magagandang pangyayari sa buhay.

nagsisimula pa lang ako.


sa pagtupad ng mga pangarap ko. sa pagpapagaling sa sugat na dulot ng mga kabiguan ko sa buhay.

pero. alam kong kahit papano. okey na ako :D

mahal ko ang buhay ko. mahal ko AKO. at higit sa lahat, mahal ko ang bawat taong nagmamahal at nakapaligid sakin.

mahal ko kayo. mahal ko na ulit ang mundo :)

13.5.10

:]

nakakainis ka lang eh no. feeling mo naman. goodluck sayo. mahalin mo yung nagmamahal sayo ngayon. kung meron. nakakaawa ka pa naman.marahil kaya ka laging iniiwan ng nagmamahal sayo kasi hindi mo sila pinahahalagahan ng gaya ng pagpapahalaga nila sayo. hayaan mo simula ngayong araw, itatatak ko sa noo ko na WALA NA AKONG PAKIALAM SAYO. AT OO SANA NOON KO PA YUN GINAWA.



yan yung mga mismong salitang gusto kong sabihin sayo kahapon. kaso ayoko na. mas minabuti ko na lang na itype yan sa chatbox ko dito kesa sabihin ko pa sayo. mag-aaksaya lang ako ng oras..




mas masarap yung ganitong pakiramdam, yung alam mong pagkatapos ng lahat ng nadama mong pagkalungkot, panahon mo na naman para sumaya. parang yung feeling lang is, nakapagpalit ka na rin sa wakas ng underwear kinaumagahan kasi nakatulugan mong di ka pa pala nakakapagpalit.

fresh na fresh. yaaaahooo! :))


tama.

e di wag kang maghintay para di ka mainip :]

me

I am incredibly awkward and negative. I get attached easily, and i hold on for too long. I don’t like opening up to people. Most 5 year old children can express their feeling better than me. I hide behind my fake smiles. I’m terrified of being hurt. I tend to act older than I am. I’m probably one of the most difficult people you will ever meet. But i can be sweet. I’m a great listener. I’ll guard your secrets with my life. I will never judge you based on your mistakes, and I’ll love you as much as i can. I can be, if you let me, one of the best things in your life.

i just read it from tumblr. :) i can relate.

12.5.10

kay ONG!!!

hindi ko inaasahan ang iyong pagdating. akalain mo nga naman.

hinahangaan kita. sa maraming kadahilanan. minsan pa'y pinawi mo ang lahat ng kalungkutang meron ako. muli mong napangiti ang babaeng hindi na alam kung papano ngumiti.

imposible ang lahat. pero dahil sa nakilala kita, parang lahat ng imposible pepwedeng maging posible. sa maikling oras na iginugol ko sayo, nais kong malaman mo na walang minuto ang naaksaya mo.

pinapatawa mo ko ng para bang wala ng bukas. pinapawi ang lahat ng luhang nalalaglag sa pisnge ko. pinahahalagahan ko ang kung anoman meron tayo.

maikli pa man ang panahong ating napagsaluhan, nais kong malaman mo na espesyal ka sakin.

lubos akong nagpapasalamat at dumating ka, at nakilala kita. lahat nga may dahilan, siguro ikaw ang dahilan kung bat kelangan kong mahalin ulit ang buhay ko.

salamat sayo ONG!!! asahan mong hanggat nandito pa ko sa mundo meron at meron kang tagahanga. eh sino pa nga ba e di AKO.

confirmed. positive,

i'm glad that i'm happy.

only love can replace the lost love.

oo. masaya na ako. okay na ako. yehey! atlast! atlast!

after kong sabihin sayo ang mga dapat mong marinig. masaya ako sa ginawa ko. napanatag ang sarili kong kalooban.

ayoko ng isipin na meron pang magaganap na paguusap pagkatapos ng huli nating pagkikita. masasayang lang yung oras ko dito sa mundo kakahintay sayo kung kelan mo paplanohing kausapin ako. malabo eh. napakalabo.

pero ayoko rin namang itali ang utak ko sa konklusyong iyon. gusto ko lang mabigyan ng pagkakataon ang sarili kong maging masaya. dahil alam ko ikakatuwa mo rin ang tuwa ko. dahil magiging masaya din ako pag nakita kitang masaya. sincere na to, hindi ko na pinaplastik.

siguro naging pabugso-bugso ang emosyon ko nitong mga nagdaang araw, kinalaban ko na pati ang sarili kong utak. naaawa ako sa sarili ko sa tuwing binabalikan ko yung mga naipost ko dito. lalong bumaba yun tingin ko sa sarili ko.

ngayon mas lubos ko ng nauunawaan ang mga bagay-bagay. napagtanto kong hindi na nga pala bago saken ang pangyayaring ito. marami na rin pala akong unos na nalagpasan. ito pa kayang problemang pansarili kong kapakanan lang?

bonus na nga lang pala lahat ng to ano? tanga ko. tanga tanga ko talaga, kahit kelan. simpleng math. ayaw ka. e di ayawan mo din. :]

hindi na daw uso yung martir eh. sabagay mas masaya naman akong nagsosolo. XD

oo,eto na. paalam na nga. :D

enough about you. enough about being lonely.

im tired. tired of thinking of endless 'what if's, how and when's'. i wanna think about me. i wanna love me again.

i knew, i am not that healed but i guess i'm doin a whole lot better now than what i am for the past 6 mos. i grieved for mom, much as i grieved for you.

i succumb to the idea that we were not meant. and all i wanna do now is to allow myself to be happy. and to let go all of these grudges i have in me.

i am glad hearing myself speak like this. i have mature a little bit.

remember my promise to you? i will keep it, i will never forget to paint a smile on my face... :]

so long, goodbye.

umaampaw.

i'm looking forward for someone:

> i will care about
>i will share my hopes and dreams
>i will work with
>i will laugh at with
>i will be waiting till he arrives home
>i will embrace in the middle of the night
>i will cry with
>i will count the years with
>i will love...
>i will accept for who he is..
>i will miss whenever he's not around.
>i will walk with hand in hand
>i will hang around with
>i will be proud of...

hopin it's you...

not?

okey.thanks.bye.

2.5.10

ivan ong

ang galing ng prinsipyo sa buhay nitong lalaking to. nabuhayan ako ng loob. sa saglit na sandaling nagkausap kami eh, parang buong buhay nya na ang ipinakilala nya saken. nakakatuwa.


sana marami pa ang gaya mo sa mundo.
sana makatagpo pa ko ng isang kagaya mo.


muli mong napawi ang unos na pumapalibot sa magulo kong mundo :)

25.4.10

pweh.

masayangmasayangmasayangmasaya

ka na sana.

goodluck.